ni Mary Gutierrez Almirañez | March 29, 2021
Nagpositibo sa COVID-19 si Marawi City Mayor Majul Gandamra, batay sa ipinaabot niyang mensahe sa Marawi nitong gabi, Marso 28. Aniya, “It is with deepest concern that I wish to inform you all that despite careful and religious observance of the minimum health protocols, I have been tested positive for COVID-19.”
Dagdag pa niya, kagabi lang din lumabas ang resulta ng RT-PCR test na isinagawa sa kanya. Sa ngayon ay naka-quarantine na siya at hinihikayat ang mga naging close contact niya upang magpa-test para hindi na kumalat ang virus. Pinayuhan din niya ang mga kababayan na huwag matakot sa bakuna kontra COVID-19.
Giit niya, “This is also a call to action to not be afraid to get vaccinated as this is by far the most impactful move that our government is doing to protect ourselves from the disease.”
“This is a wake-up call to all of us that we should still be vigilant and strictly follow the minimum health protocols implemented in the city. Refrain from nonessential travels and avoid mass gatherings as much as possible to effectively avoid being contracted of this virus,” paliwanag pa niya.
Comments