top of page
Search

Marano ng Crossovers bumida vs. Blazers sa PNVF

BULGAR

ni Clyde Mariano @Sports | February 7, 2024



Muling pinatunayan ni Abigail Marano ang kanyang international credential at leadership kaya dinala ang Chery Tiggo Crossovers sa panalo kontra  Saint Benilde, 3-1 ( 29-27, 27-29, 25-18, 25-23), sa PNVF Champions League 2024 sa Rizal Memorial Coliseum kagabi.


Umiskor si Marano ng dalawang service aces sa fourth set kasama ang game-clinching at dalhin ng 29 years old Pangasinense na taga-Bani sa panalo ang kanyang koponan at naiwasan ang pangalawang sunod na kabiguan matapos matalo sa Cignal HD Spikers sa opening game.


“I have to play my best out there and show my leadership to make my team wins. I’m elated I did it,” sabi ni Marano na naglaro sa tatlong Southeast Asian Games sa Malaysia, Manila at Vietnam at 2018 Asian Games sa Indonesia kasama si Alyssa Valdez.


Nakipagsanib-puwersa si Marano kina Victoria Galang, Czarina Grace Carandang at  Mylene Paat sa panalo ng Chery Tiggo na tumagal ng mahigit dalawang oras. Sina Marano, Paat at Carandang ang best scorers sa Chery Tiggo na gumawa 68 points sa 201 total attempts.


Lumaban ang Saint Benilde sa pangunguna nina Gayle Pascual, Wielyn Estoque at Rhea Mae Densing na umiskor ang tatlo ng may kabuuang 42 points at kaunti ang errors 24 kumpara sa Chery Tiggo 27.


Subalit hindi sapat ang kanilang pagsusumikap para dalhin sa panalo ang St. Benilde sa lungkot ni coach Jerry Yee na lumabas sa court nauna sa kanyang mga manlalaro. 


Kinuha ng Chery Tiggo ang unang set subalit bumawi ang Saint Benilde at naitabla sa 1-all. Hindi nasiraan ang Chery Tiggo ng loob at kinuha ang third and fourth sets at kunin ang panalo.


Sinira ng Chery Tiggo ang 15-all at lumamang ng 17-15 at umiskor ng dalawang points, kasama ang service ni Abby Marano.



Hozzászólások


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page