top of page
Search
BULGAR

Marang, pampabilis ng metabolismo at gamot sa pamamaga, pampalinaw pa ng mga mata

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | September 13, 2020




Ang marang fruit.


Hindi langka, hindi durian pero iisa ng mukha, guest what? Ang sagot ay marang fruit.

Ang pangalan na “marang” ay Latin word na ang ibig sabihin ay “sweet taste and odor”, ibig sabihin, matamis na ang lasa at matamis pa ang amoy.


Talagang kakaiba ito dahil ang pangkaraniwang mga prutas ay matamis lang sa lasa pero sa amoy ay hindi na. Kumbaga, kapag hiniwa o binuksan ang isang buong marang, aamoy sa buong bahay ang kanyang matamis na amoy at minsan ay umaabot pa sa kapitbahay.


Mahiwaga ang marang fruit, pero may mga hiwaga pa itong kalakip dahil ayon sa tradisyon ng matatanda, may magic healing power ito tulad ng sumusunod:

  • It works like magic dahil mabilis nitong nalulunasan ang problema sa matigas na dumi o ito ay gamot sa hindi makadumi.

  • Mabilis din na nasosolusyunan ng pagkain ng marang ang mataas na blood pressure.

  • Marang works wonder para sa mga taong anemic na nahihirapang huminga, madaling mapagod at kinakapos ng hangin. Kapag kumain ng marang, biglang gumagaling ang taong anemic.

  • Nakamamangha rin na sa madalas na pagkain ng marang, lumilinaw ang malabong mga mata, kaya ang tradisyunal na paniniwala rito ay nagbibigay ito ng panibagong mata para sa malalabo ang paningin.

Ang iba pang mga karamdaman na nalulunasan ng marang ay ang mga sumusunod:

  • Panlaban sa cancer

  • Kinokontrol ang diabetes

  • Pinabababa ang cholesterol levels

  • Nalulunasan ang heart disease

  • Pinalalakas ang metabolismo

  • Panlaban sa inflammation o pamamaga

Taglay ng marang ang Vitamins A, B, C, beta-carotene, dietary fiber, retinol, thiamin, riboflavin, pantothenic acid at niacin. Mayroon din itong minerals tulad ng zinc, iron, phosphorus, protein, potassium, calcium, manganese, copper at magnesium.


Ang marang ay may antibacterial, antiviral, anti-cancer at anti-inflammatory properties. Gayundin, ang taglay nitong antioxidants ay lumalaban sa mga free radicals na nakasasama sa katawan.


Ang mga herbal practitioner sa mga probinsiya ay gumagamit ng marang bilang natural alternative na panlunas sa malalaking halaga ng gastos sa ospital at clinics. Bukod sa epektibo, ito ay mura lang kung ikukumpara sa high-cost ng modern medications.


Subukan mong bumili ng marang sa mga fruit stand, kainin mo at ikaw na mismo ang magsasabi na marang works like magic laban sa mga sakit.

Good luck!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page