ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Feb. 18, 2025
Photo: Sam Milby - Instagram
Dahil may tema rin ng cheating ang pelikulang Everything About My Wife (EAMW), natanong ang lead actors na sina Dennis Trillo and Sam Milby kung ano ang opinyon nila tungkol dito.
Si Sam muna ang unang sumagot at aniya, sa showbiz ay talagang napakaraming temptasyon.
“But if you act on them, that’s cheating. If you are flirting, if you are leading someone on, that’s emotional cheating,” aniya.
Marami raw klase ng cheating at hindi lang sa pisikal na pamamaraan.
“Most people just look at it if you’re giving in to the physical aspect, but I think, there’s also emotional cheating. If you are married or in a relationship and you’re emotionally attached to the opposite sex and you’re giving it to them, that’s also a way of cheating 'coz you’re giving part of yourself that you’re supposedly giving to your kasintahan, the person that’s supposed to be the only one in your life,” saad ni Sam.
Ayon naman kay Dennis, importante raw sa isang relasyon na alamin ang iyong boundaries at limitasyon.
“S’yempre, kapag lumabas ka du’n sa mga boundaries na ‘yun, talagang magkakaroon ng problema.
“So, alamin mo lang kung saan ka lulugar, umayos ka nang tama, at alamin mo muna ‘yung mga consequences ng mga actions mo bago mo sila pag-isipang gawin talaga,” pahayag ni Dennis.
Natanong din ang isa sa cast na si Carmi Martin tungkol sa cheating at ang tanging sagot lang daw niya ay “Been there, done that.”
Aniya ay napagdaanan na raw niya ‘yan at tapos na siya sa mga panahong ‘yan.
“Na-experience ko na ‘yan before pero siyempre, hindi ko na ise-share sa inyo,” nakangiti niyang wika.
Samantala, ang EAMW ay reunion movie nina Dennis and wife, Jennylyn Mercado after Rosario in 2010. Showing na ito sa Feb. 26 under CreaZion Studios mula sa direksiyon ni Florido Real.
TOURISM Beauties ang bansag kina Ara Mina, Ryza Cenon at TV host/model na si Daiana Menezes dahil sa kanilang pagsuporta sa turismo ng bansa at ang mga programa nito.
Ang kanilang mga pagganap sa mga pelikula at telebisyon ay isang uri rin daw kasi ng turismo kung saan sila napapanood at nakikilala sa ibang bansa.
Bukod dito ay dinadayo rin daw ang mga ito ng iba’t ibang mga banyagang turista na bumibisita sa bansa.
Kaya naman nakiisa sina Ara, Ryza and Daiana sa ginanap na Turismo Partylist motorcade campaign sa bayan ng Taytay, Rizal kamakailan na tinatayang dinaluhan ng humigit-kumulang sa 60,000 hanggang 100,000 katao.
Makikita sa video at mga litrato na naka-upload ang saya at ingay ng mga Rizaleño sa pagbisita ng tinaguriang Tourism Beauties.
Pinangungunahan ni dating Department of Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo at ng masipag na businessman na si Dave Almarinez ang nasabing partylist.
Samantala, sa ngayon ay abala si Mina sa kanyang upcoming shows at mga ipapalabas na pelikula ngayong 2025. Same with Ryza na may bagong hairstyle para sa bago niyang horror movie na Lilim na malapit n’yo nang mapanood.
Si Daiana naman ay tuluy-tuloy pa rin ang pagho-host sa isang daily morning show kung saan hasang-hasa na ang kanyang pananagalog. Isang Brazilian si Daiana Menezes na nakipagsapalaran sa pag-aartista rito sa ating bansa.
Comments