ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 19, 2024

Sa panayam kay Joshua Garcia ni Bianca Gonzalez-Intal sa BRGY vlog ng The Filipino Channel o TFC na in-upload nitong Biyernes ay inamin ng aktor na ayaw na niyang isapubliko ang kanyang love life.
Tinanong ni Bianca kung ano ang mga natutunan ngayon ni Joshua pagdating sa pag-ibig base sa mga naging experiences niya noon na maraming isyu.
“Unang-una, natutunan ko na gawing private ang relationship. Ang laking impact sa relationship kapag walang nakakaalam kundi ‘yung mga nasa paligid n’yo lang or friends n’yo.
“Kasi base ru’n sa experiences ko (kay Julia Barretto), hindi maganda na i-share sa public lahat. Kailangan mong magtira ng private sa buhay mo,” opinyon ng aktor.
“After ng past experiences sa buhay mo, how are you a better partner now? How would you say it?” tanong ni Bianca.
“Siguro ngayon, piliin ang mga bagay na pag-aawayan namin. Hindi na ako seloso. Una kasi, cute (pagiging seloso), pero ‘pag tumatagal na, sobrang seloso mo, parang 'kakairita na rin s’ya sa (part ng) babae.
“I think ‘yun, hindi naman ako nagkulang sa time (dahil) ibinibigay ko talaga ‘yung time para makapag-usap kami. Sinet ko ang utak ko na kahit once a week, kung hindi talaga kaya kahit twice a month na makalabas kami, makakain kami sa labas at makapag-usap kayo. Importante ang connection and yeah, I think ‘yun ang isa sa mga natutunan ko,” pagtatapat ng aktor.
Natuwa si Bianca sa bagong pananaw ngayon ni Joshua pagdating sa love life dahil napansin din nito na hindi lahat ng nangyayari sa buhay nila ng non-showbiz girlfriend niya ay naka-post sa social media. Sabi nga ng BRGY host, balanse ang mga isine-share nila sa publiko.
Sundot ng binata, “Minsan nga, nagpapaalam pa rin sa 'kin na ‘Puwede ko bang i-post ‘to?' Siyempre, hindi naman ako makatanggi. Sagot ko, ‘Sige lang, pero puwede sa close friends mo na lang?’ Alam ko naman na napa-proud s’ya sa ‘kin, sa amin, but I know hindi pa n’ya alam kung gaano kagulo sa industriya natin. Ayaw ko lang pagpiyestahan ng lahat ‘yung istorya namin, kung ano'ng meron kami. Kasi sa umpisa, okay, sasabihin, 'Ang cute nila.' Pero eventually, hindi lang ‘yun ang puwede mong matanggap sa mga tao.”
Ang current girlfriend ng aktor ay professional golfer, at the same time ay baker, kaya may bake shop business.
Hindi binanggit sa interbyu ang pangalan ng babaeng nagpapasaya kay Joshua kaya hindi rin namin babangitin ang name nito.
Samantala, natuwa si Joshua sa magandang pagtanggap ng tao sa pelikula nila ni Julia Barretto na Un/Happy for You (UFY) dahil kahit na maraming nangyari sa kanilang dalawa in the past ay marami pa ring nagmamahal sa tambalan nila.
Umamin din ang aktor na humiling sila ng isa pang pelikula sa Star Cinema na sana ay comedy naman pagkatapos ng romance-drama na UFY.
At sa ika-apat na araw ng pagpapalabas ng pelikulang ito ay umabot na raw sa P104 million, kaya congratulations sa Team UFY na idinirek ni Petersen Vargas.
Para sa kaalaman ng manonood ng mga bagong pelikula na ipinalabas nitong Miyerkules ay muling inanunsiyo ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio ang mga ratings nito.
Tatlong pelikula na swak sa panonood ng pamilya at iba pang pelikulang R-16 at R-18 ang ipapalabas ngayong linggo sa mga sinehan.
Ayon kay Chair Lala, sa ilalim ng PG, maaaring manood ang mga 13 yrs. old at pababa na kasama ang kanilang mga magulang o nakatatanda sa kanila.
Kasama sa mga nabigyan ng PG rating ang When the World Met Miss Probinsyana (WTWMMP), Korean action movie na Project Silence (PS) at Borderlands.
Samantala, R-16 naman ang It Ends With Us (IEWU) mula sa Columbia Pictures Industries Inc. na ibig sabihin, puwede lang sa edad 16 at pataas.
Ang Unang Tikim (UT) ng Viva Communications, Inc., ay nabigyan ng R-16 at R-18. Ang R-18 ay para lamang sa mga edad 18 at pataas.
Comentários