top of page
Search
BULGAR

Mapapanood online o sa drive in ng mall… Giant Lantern Festival tuloy kahit may pandemya

ni Jasmin Joy Evangelista | September 27, 2021



Muling mapapanood ang Giant Lantern Festival sa San Fernando City, Pampanga ngayong taon pero ito ay idaraos virtually o sa pamamagitan ng drive in dahil laganap pa rin ang COVID-19.


Tulad noong nakaraang taon, bawal ang live audience sa festival dahil exhibition na lang ng mga lantern ang mangyayari.


Kasali rito ang 7 parol na may taas na 20 talampakan, na galing sa 7 barangay sa San Fernando.


"Digital edition pa rin ang isasagawa, meaning mapapanood ito sa livestream," ani San Fernando tourism officer Ching Pangilinan.


"Bagama't ganu’n 'yung kinakaharap natin (pandemya) ngayon, ayaw naman natin na mawala 'yong tradition natin na sa paggawa ng mga higanteng parol," dagdag niya.


Ang tema ng mga parol ay nakasentro sa COVID-19 pandemic.


Makatatanggap ang bawat barangay ng P142,000 subsidy mula sa lokal na pamahalaan.


Sa Disyembre 16, 2021 nakatakda ang opening ng festival sa Robinsons Starmills sa lungsod kung saan bukod sa live-streaming, may option ding makita ang mga higanteng parol nang aktuwal sa pamamagitan ng drive-in viewing ng mall.


"There's gonna be a pre-booking to be able to witness the giant lantern this year and we're gonna have a drive-in concept," sabi ni Jodee Arroyo, manager ng Robinsons Starmills kung saan idaraos ang festival.


"We could only accommodate a maximum of 150 to 200 cars every show. And every night, we're gonna have 2 shows po," dagdag ni Arroyo.


Sa mga nais manood, maaaring magparehistro para sa drive-in viewing online o sa on-site registration sa mall.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page