ni Jasmin Joy Evangelista | September 7, 2021
Kanselado ang klase ngayong Setyembre 7, 2021, sa ilang lugar sa bansa dahil sa bagyong Jolina.
Kabilang sa mga lugar na walang pasok ay ang mga sumusunod:
• Albay: online at face-to-face
• Eastern Samar: all levels, public and private
• Northern Samar: all levels, public and private
Ito ay dahil maaaring magdulot ng power interruptions at signal problems sa mga internet dahil sa nasabing bagyo.
Gayundin, ang mga guro at ilang school personnel ay patuloy na pumapasok sa paaralan upang doon isagawa ang online classes dahil sa problema sa internet at upang mag-report sa kani-kanilang school heads.
Matatandaang kamakailan ay nag-anunsiyo ang DepEd na maaaring ibalik ang face-to-face classes sa ilang lugar sa bansa na wala o may mababang kaso ng COVID-19.
Comments