ni Rohn Romulo @Run Wild | Oct. 29, 2024
Photo: Maine Mendoza at Sylvia Sanchez - IG
Puring-puri ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez si Maine Mendoza, ang wifey ni Cong. Arjo Atayde.
Palaging binabanggit ni Sylvia sa kanyang mga interbyu na masuwerte siyang mother-in-law hindi lang kay Maine, kundi pati na rin sa asawa ni Ria Atayde na si Zanjoe Marudo.
Sa latest interbyu niya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), muli siyang
nagkuwento sa relationship niya kina Maine at Zanjoe.
Pahayag ni Ibyang, “Du’n ko nakita, kasi sinasabi nila, suplada, Kuya Boy. Nami-misinterpret si Maine.
“Sobra s’ya talagang mahiyain, kung alam lang nila. May mga nagsasabi sa ‘kin, suplada, hindi. ‘Wag n’yo i-judge ‘yung tao kasi nakita ko siya, eh, nag-usap kami.”
Dagdag pa ni Ibyang, noong first time raw na dinala ni Arjo si Maine sa bahay nila sa White Plains ay halos 15 minutes daw itong nasa labas lang dahil nahihiya.
“Ako mismo, na-experience ko. Sabi, ‘Mommy, nahihiya pa, sandali lang.’ ‘Halika na, sige.’ Lumabas si Arjo, pagbalik niya, ako na sumalubong. ‘Hi, Maine!’ Niyakap ko na, sobrang lamig,” tsika pa ni Sylvia.
Mahiyain din daw si Zanjoe, pero sa simula pa lang ng relasyon ng aktor at ng anak ay gusto na niya ito dahil, “Mabait kasi, kasama ko kasi ‘yan, nakakatrabaho ko, nakakasama ko sa trabaho.”
Kaya sey pa niya, “Suwerte ako bilang mother-in-law dahil meron akong Maine Mendoza na daughter-in-law, at Zanjoe Marudo na son-in-law.”
Speaking of Zanjoe, kamukha raw niya ang anak nila ni Ria, ayon sa nakakita, habang nakuha ang kaputian ni Arjo. Kaya tisoy din ang unang apo ni Ibyang na tinatawag nilang Little Boss, na spoiled na spoiled sa kanya.
Samantala, sa November 29 na ang Juan Karlos LIVE na masayang-masaya sina Ibyang dahil sold-out na ang SVIP section, kaya wala na silang maibigay sa naghahanap, at masasabing very successful ang Nathan Studios Inc. sa pagpo-produce ng first major concert ni Juan Karlos Labajo.
Pinupuri naman ang trailer ng hard-action movie na Topakk na isa sa 50th MMFF entries na pinagbibidahan nina Arjo Atayde at Julia Montes.
Ang movie na ito ay siguradong tatatak sa mga manonood sa pagiging certified action star ni Arjo, bukod pa sa husay niya sa pag-arte. Hindi rin sila bibiguin ni Julia Montes, na grabe rin ang ginawa sa kanyang mga action scenes.
Napakahusay din dito nina Sid Lucero, Enchong Dee, Kokoy de Santos at iba pang supporting cast.
At kung naghahanap kayo ng pang-malakasang action movie na pang-international ang kalidad, narito na ang Topakk na mapapanood na simula sa December 25.
Comments