top of page
Search
BULGAR

“Manok” ni P-Digong, nganga ‘pag ‘di nasolusyunan ang super-mahal na singil sa tubig at kuryente...

period!

ni Imee Marcos - @Buking | July 13, 2020


Sanay ang mga Pinoy sa “kuyog” at palaging naghahanap nang maituturo kung sino ang dapat managot. Kaya nga, nakini-kinita ko na hindi malayong dahil sa mga kapalpakan ng mga kumpanya ng elektrisidad at tubig, hindi lang si Pangulong Rodrigo Duterte ang tatamaaan ng sisi, kundi maging ang mga kandidato ng administrasyon sa darating na eleksiyon.


Naku, mga besh, ‘wag naman sanang ganu’n, eh ako man mga frennie, shock to death at buryok sa sobrang taas ng singil sa kuryente at singil sa tubig. Ano ba talaga kasi ang naging basehan sa super-mahal na electric at water bill? ‘Kalokah!


Dapat talaga hindi sila basta-basta maniningil na base lamang sa “estimate”, kailangang magkaroon muna ng aktuwal na “meter reading” sa mga kuntador ng bawat konsyumer bago maningil ang Meralco, Maynilad at Manila Water na siyang pagbabatayan ng billing ng tatlong kumpanya. Juskoday! Chika ng mga friends, wala nga raw silang nakitang taga-Meralco na nagbasa ng kanilang metro!


Bago pa ma-high blood nang husto, dahil sa tuloy-tuloy na pambibiktima ng mga tatlong kumpanyang ito sa publiko, baka puwedeng panagutin na ang mga ‘yan. Sobra na ang dinaranas na paghihirap ng ating mga kababayan!


At matiyak din sanang hindi basta-bastang makakapagputol ang mga ito sa mga kabahayan na hindi makabayad agad. Panawagan natin kay Manong Digong na huwag hayaang makaperwisyo ang mga ito lalo na ngayong hirap na hirap ang ating mga kababayan.


Ang hindi pag-aksiyon ng gobyerno sa mga panawagan ng ating mga kababayan ay posibleng maging daan para malagay sa kangkungan ang mga kandidato ng administrasyon sa susunod na halalan. Posibleng maging barometro ito sa kung sino ang dapat ihalal at dapat ibasura sa next elections.


Tatandaan ng mga tao kung sino sa kanila ang tumulong para labanan ang mga pananamantala ng mga service utilities at kung sino rin ang nandedma at nag-abandona sa kanila.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page