ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | July 24, 2020
"VILMA SANTOS FOR 2022 PRESIDENT NG PILIPINAS!"
Ito ang sigaw ng mga pamilya ng mga Kapamilya workers na nawalan ng trabaho matapos na hindi na bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN ng 70 congressmen na bumoto laban sa Kapamilya Network.
At hindi man nanalo sa botohan ang ABS-CBN, tinatanaw nilang malaking utang na loob sa 11 kongresistang lumaban at nanindigan para sa network ang boto ng mga ito at kabilang na nga rito ang Star for All Seasons at mommy ni Luis Manzano na si Ate Vi.
Ang isa sa mga katwiran ni Congw. Vilma ay ayaw niyang maging heartless sa kanyang kapwa lalo na sa 11 thousand employees ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho, at kabilang na nga rin dito ang mga tulad naming showbiz press na umaasa rin sa mga pa-presscon at iba pang events ng network.
Sinabi rin sa isang interview ni Congw. Vilma na kaya siya bumoto na ibalik ang prangkisa ng ABS-CBN ay hindi dahil dito nagwo-work ang anak niyang si Luis Manzano kundi para sa maliliit na manggagawang mawawalan nga ng trabaho.
Well, wala namang masama kung babae uli ang magiging presidente ng Pilipinas sa taong 2022. Yes, after ex-President Cory Aquino.
At kung si Vilma Santos-Recto na nga ang IGINUHIT NG TADHANA para pumalit kay now PH President Rodrigo Roa Duterte, ala, eh… 'yan ang talagang wow na wow, in pernes!
Bihasa at hasang-hasa na sa pulitika at pamamalakad ng kanyang mga constituents sa Batangas ang isang Vilma Santos-Recto, sa true lang.
Dahil dito ay puwede na siguro uling buhayin ang kantang pinasikat noon ni Rico J. Puno titled KAPALARAN na may lyrics that goes…. "Bakit ba ganyan ang buhay ng tao… merong mayaman, may api sa mundo… Kapalaran, kung hanapin, 'di matagpuan… at kung minsan, lumalapit nang 'di mo alam (si covid at iba pang kontrabida)…” boom, 'yun na!
Comments