ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | May 16, 2022
Moving on na si Pokwang pagkatapos tanggapin ang resulta ng nakaraang halalan kung saa'y hindi nagtagumpay ang sinuportahan niya sa pagka-pangulo na si VP Leni Robredo.
Ang nakakatuwa kay Pokwang, part ng moving on niya ay ang hiling na sana'y magbayad na ng kanilang utang ang mga kalabang BBM o mga tagasuporta ng nanalong pangulo na si Bongbong Marcos.
Bago pa ang paniningil, sinabi ng comedienne na tigilan na ang pamba-bash sa isa't isa dahil pare-pareho naman daw nagsalita ng hindi magaganda ang mga ito sa kani-kanyang kandidatong tumatakbo.
Mensahe ni Pokwang, "Ok, tapos na eleksiyon, tanggap na rin (namin), ganu'n talaga... Pero sana, 'yung mga BBM na kamag-anak at friends (ko), na nangutang sa akin, bayad-bayad na rin, ha? Okay?
“Tapos na ang ating ipinaglalaban, kaya't huwag nang magmalinis ang tagasuporta ng ating ipinagmamalaking kandidato, dahil kani-kanya tayong nagsalita ng hindi maganda sa kabilang kampo," himutok ni Pokwang na idinaan sa kanyang Twitter account.
留言