ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 9, 2021
![](https://static.wixstatic.com/media/e5628c_8da5a409d85b41ad979d723f03df3f52~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/e5628c_8da5a409d85b41ad979d723f03df3f52~mv2.jpg)
Nagpositibo sa COVID-19 si Manila Vice Mayor Honey Lacuna, ayon sa Manila Public Information Office noong Linggo.
Pahayag ni Lacuna, “Sa kabila ng matinding pag-iingat ay hindi ko lubos na inaasahan ang nakalulungkot na resulta. Dahil dito, kinakailangan kong pansumandaling magpahinga at magpagaling.
“Inaasahan ko po ang inyong pag-unawa at hinihiling ko ang inyong panalangin para sa ating lahat. Patuloy po tayong mag-ingat at sundin ang mga itinakdang safety protocols.”
Samantala, noong Linggo, pumalo na sa 1,658,916 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos maitala ang 9,671 bagong kaso.
Sa ngayon ay mayroon pang 77,516 aktibong kaso sa bansa at umakyat na sa 29,122 ang bilang ng mga pumanaw.
Hozzászólások