ni Jasmin Joy Evangelista | October 22, 2021
Parami pa nang parami ang pumapasyal sa Manila Baywalk Dolomite Beach kumpara sa mga naunang araw na binuksan ito lalo pa’t marami ang sabik makalabas ng bahay mula nang ilagay ang Metro Manila sa Alert Level 3.
5:30 am pa lang ay binubuksan na ito sa publiko at puwedeng pasyalan hanggang alas sais ng gabi.
Walang entrance fee at pinapayagan maging ang mga bata kaya dinadagsa ito ng mga gustong mamasyal.
Kapansin-pansin lang na kahit may mga nagbabantay na taga-DENR at mga pulis ay hirap nang ipatupad ang physical distancing.
Nagbabala naman si MMDA Chairman Benhur Abalos na maaaring maging super spreader event ito lalo’t may banta pa rin ng COVID-19.
Nakabantay rin ang Philippine Coast Guard lalo’t bawal pa rin ang maligo sa Manila Bay hangga’t hindi pa natatapos ang rehabilitasyon nito.
Comentários