ni Jasmin Joy Evangelista | December 28, 2021
Bukas na muli sa publiko ang Manila Baywalk Dolomite Beach ngayong araw, Disyembre 28, hanggang bukas, Disyembre 29.
Muli itong bubuksan sa January 4, 2022.
May bagong ipinatutupad na sistema kung saan dapat mag-register ng mga bisita sa http://denrncrsys.online para makapasok.
Kailangan magparehistro muna isang araw bago bumisita. Puwede rin ang mga walk-in, pero kailangan nilang sumagot sa mga walk-in forms sa entrance.
Ang mga successful registrants ay makatatanggap ng confirmation email mula sa DENR.
Layon ng online appointment system na ito na maiwasan ang overcrowding sa lugar.
Ipinagbabawal ang pagpasok ng mga batang edad 11 pababa sa dolomite beach.
Ang mga available slot ay ang mga sumusunod:
* 6:30-7:30 a.m.
* 8:00-9:00 a.m.
* 9:30-10:30 a.m.
* 11:00 a.m.-12:00 nn
* 1:30-2:30 p.m.
* 3:00-4:00 p.m.
* 4:30-5:30 p.m.
Para sa mga bibisita, magdala ng vaccination card, magsuot ng face mask, at panatilihin ang social distancing. Bawal magdala ng mga alagang hayop, bawal ang swimming, paninigarilyo, at pagkakalat.
Comments