top of page

Manila City officials, nag-courtesy call… “Maging maingat sa paggamit ng resources” – P-BBM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 7, 2022
  • 2 min read

ni Lolet Abania | December 7, 2022



Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa ginawang courtesy call ng mga lokal na opisyal ng Manila City sa Punong Ehekutibo, na kung wala ang mga local government units (LGUs), hindi magkakaroon ng national government.


Ang courtesy call ay ginanap sa President’s Hall sa Malacañang Palace ngayong Miyerkules.


Ayon kay Pangulong Marcos, ang nangyaring pagpulong ay tanda ng kooperasyon sa pagitan ng lokal na gobyerno at ng pambansang gobyerno upang aniya, “find ways, in the future, to work more closely, [as well as to address the problems at the grassroots level]”.


“And that’s why it is extremely important that the local government and the national government work very, very closely so that we maximize all our efforts to alleviate the problems that our people face – the rising cost of food, fuel,” saad ng Pangulo sa kanyang speech.


Dalawang partido naman ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta at kooperasyon sa mga isasagawang programa ng gobyerno at mga proyekto, kung saan magbibigay ng mas maraming benepisyo sa mga Manileños gayundin para sa lahat ng mga Pilipino.


Sinabi pa ng Chief Executive na mas kaunti na ang masasayang pagdating sa mga resources ng gobyerno kung mayroong koordinasyon sa pagitan ng national at local government units.


Nanawagan naman ang Pangulo sa mga opisyal para sa maingat na paggamit ng salapi at yaman o assets ng gobyerno.


“So we have to be very careful [on] how we deploy what resources that we have. And again to maximize those resources we have to be in very close coordination, both the national government and local government such as the City of Manila,” sabi ni Pangulong Marcos.


Kabilang sa mga opisyal na nagbigay ng courtesy call sa Pangulo ay sina Mayor Ma.


Sheilah Lacuna-Pangan, Vice Mayor John Marvin Nieto, Representatives Ernesto Dionisio Jr. (1st District), Rolando Valeriano (2nd District), Joel Chua (3rd District), Edward Maceda (4th District), Erwin Tieng (5th District), Bienvenido Abante Jr. (6th District), Liga ng mga Barangay -- Manila Chapter President Leilani Marie Lacuna, Sangguniang Kabataan (SK) Federation President Daniel Dave Tan at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page