ni Fely Ng - @Bulgarific | February 25, 2021
Hello, Bulgarians! Maganda ang araw kung bubungad ay maaliwalas na kapaligiran. Kahalintulad ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang pagtatanim ng mga halaman sa harap at paligid ng gusali ng Manila Central Post Office ay palaging isinasagawa upang mapangalagaan ang kalikasan at mapanatili ang ganda ng paligid.
Kilala ang gusali ng Post Office bilang makasaysayang lugar sa bansa. Ito ay maituturing na National Treasure at patuloy na dinarayo ng mga turista dahil sa ganda at tibay ng istruktura nito na itinayo noong panahon ng mga Amerikano at idinesenyo ng Pilipinong si Juan Arellano.
Ilan sa mga kilalang gusali sa Maynila na idinesenyo ni Arellano ay ang Manila Metropolitan Theater at ang old legislative building (National Museum).
Ang Manila Central Post Office ay idineklarang “Important Cultural Property” ng National Museum upang mapabilang sa mga kinikilalang lugar na naglalarawan ng mayamang kultura at kasaysayan ng bansa.
Kabilang ang gusali ng Post Office sa mga nagsisilbing atraksiyon sa Maynila upang hangaan ang makasaysayang lugar, ang luntiang ganda ng mga parke at pampublikong lugar nito.
Ayon sa PHLPost, malaking tulong ang mga halaman upang mabawasan ang ating mga alalahanin, stress level at mapaunlad ang pagkamalikhain at kasanayan sa mga gawain.
Ang pagtatanim ng halaman ay makatutulong din upang mabawasan ang problema sa polusyon sa kapaligiran.
Para sa anuman impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.
Comments