ni Lolet Abania | September 20, 2020
Dinagsa ng mga tao ang kahabaan ng Roxas Boulevard madaling-araw pa lamang ngayong Linggo para maranasan ang paglalakad sa Manila Bay Sands sa Baywalk, Manila.
Karamihan sa kanila ay dumating doon ng alas-5:30 ng umaga kahit pa magbubukas ito ng alas-6 ng umaga.
Pinapayagang makapasok sa lugar ng 20 hanggang 30 katao lamang. Gayunman, hindi nasusunod ang one-meter social distancing sa lugar dahil sa dikit-dikit ang gustong pumasok sa tinaguriang ‘white sand bay’.
Matindi na rin ang traffic sa kahabaan ng Roxas Boulevard dahil sa mga motoristang nakikiusyoso na dumaraan.
Sa ngayon, umabot na ang pila hanggang Magsaysay Center malapit sa Rajah Sulayman at posibleng humaba pa ito. Samantala, dalawang araw nang nagbukas ang Manila Bay Sands subali’t walang panuntunang ipinatutupad na safety at health protocol sa lugar tulad ng one-meter physical distancing, pag-fill up ng impormasyon para sa contact tracing at hand disinfection bago makapasok sa lugar.
Panawagan ng mga naroroon, aksiyunan ito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Manila City government at iba pang ahensiya ng pamahalaan dahil posibleng pagsimulan ng pagkalat ng COVID-19.
Comentarios