by Info @News | June 14, 2024
Pinag-iingat ni Senador Francis 'Tol' Tolentino ang mga mangingisda at mga sundalong nagbabantay sa teritoryo ng Pilipinas laban sa posibleng dagdag na panggigipit ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Simula Hunyo 15, ipatutupad ng China ang bagong batas na nagbibigay permiso sa kanilang Coast Guard na manghuli at ikulong ng isang buwan ang sinumang tatapak sa itinuturing nilang teritoryo.
Kaugnay nito, ipinayo umano ng senador sa mga mangingisda at sundalo na huwag magpaaresto. “Ipagdasal natin ang ating mga sundalo at mangingisda laban sa walang tigil na paninikil ng China.
Sa Zambales at sa Palawan, at hindi lang 'yung sa BRP Sierra Madre,” diin ni Senador Tol. Dagdag pa ng mambabatas, dapat nang patibayin ang naval defense ng bansa para humarap sa mga ganitong panggigipit.
Comments