top of page
Search
BULGAR

Mandatory face shield, dagdag-proteksiyon pero mas dagdag-gastos…

face shield na dating P20, P100 na ngayon, calling DTI!

ni Imee Marcos - @Buking | August 14, 2020



Matapos ang barrier sa motorsiklo, may bago na namang pakulo ang DOTr. Mandatory face shield naman sa lahat ng mga mananakay sa bus, tren, jeep at iba pang pampublikong sasakyan! ‘Kalokah!


Dagdag-proteksiyon daw ito, kontra sa COVID-19, pero maraming naghihikahos ang nagsasabing anti-poor ito! Bakit kamo? Eh, kasi nga naman, dagdag-gastos ito sa kanila sa halip na ibibili na lang nila ng noodles, eh, mapupunta pa sa face shield. Hay nako!


Hindi pa ba sapat ang physical distancing at pagsusuot ng face mask? DOTr, hindi n’yo maiiaalis sa ating mga kababayan na umangal, eh, biruin n’yo naman, bigla-bigla ‘yan, ang dami nga raw nilang nakahilerang gastusin, kapos na sila sa pangkain, walang trabaho, may gastusan pa sa nalalapit na pagbubukas ng online classes ngayong August 24, tapos may ganito pa?!


Eh, kaunting preno naman sa gastusan, pahingahin natin nang kaunti ang ating mga kababayan, baka naman mas okay na huwag itong gawing mandatory kundi sa mga may kakayanan lang.


Pero kung talagang ayaw papigil ng DOTr, bakit kaya hindi na lang kayo mamigay nang libreng face shield? Eh, di ba ang saya ‘pag nakatulong kayo sa ating mga kababayan?


Balita natin, mga besh, biglang-sirit na rin ang presyuhan ng face shield na dati ay P20 lang, eh, umabot na raw sa P50 hanggang P100?! Santisima, puwede ba, plis lang DTI, pakibantayan n’yo ang presyo niyan, aba, eh, maraming abangers na mga ganid na negosyante hayan na, pihadong mas tataas pa ang presyo niyan. Juskoday!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page