ni Madel Moratillo | May 27, 2023
Aminado ang Commission on Elections na labag sa batas ang mandatory drug test para sa mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Pero ayon kay Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, wala namang makakapigil sa kanila kung boluntaryo silang magpapa-drug test.
Una rito, hinamon ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang mga kandidato na magpa-drug test.
Ayon kay Laudiangco, makakatulong sa mga kandidato kung boluntaryo nila itong gagawin.
Kaugnay nito, muling tiniyak ni Comelec Chairman George Garcia ang kahandaan sa BSKE.
Naimprenta na aniya nila ang 92 milyong balota kasama ang lahat ng gagamiting election returns, statement of votes, at iba pa.
Ang kulang na lang aniya ay ang training ng mga guro na magsisilbi sa electoral boards.
Comentarios