top of page
Search
BULGAR

Manang-mana ang pagsasalita ng madir… BIMBY, KRIS JR.

ni Ambet Nabus @Let's See | July 2, 2024



Showbiz News


Kahit ano pa ang sabihin o ipuna ng mga netizens kay Bimby, ang dakilang 17-year-old na anak ni Kris Aquino, totoo namang very respectful and loving ito.


Kakaiba nga talaga ang nagawang pagpapalaki ni Kris sa anak dahil ngayong ito na halos ang nagsisilbi niyang spokesperson, wala kang maipipintas sa bagets pagdating sa laman ng utak at puso.


Feel na feel namin ang sincerity at undying support and love nito sa ina, base nga sa naging panayam sa kanya ni kapatid na Ogie Diaz.


Napag-usapan nga nila kung bakit hindi na posibleng magkabalikan sina Kris at Vice-Gov. Marc Leviste, ang kahandaan nito sa anumang eventuality pagdating sa health condition ng ina at ang bagong Pinoy doktor na nagpapatibok sa puso ni Kris ngayon.


Very articulate rin si Bimby at kahit sinasabi ng marami na Kris Aquino Junior ito pagdating sa kudaan at humor, ano naman ang problema ru’n?


Dedma na lang sa mga bashers dahil more than their opinion, mas importante ang nilalaman ng isip at puso, at du’n kami nasapol ni Bimby.

Congratulations!


 

SA simpleng tanong namin kay Alden Richards kung totoo nga bang may plano siya o ang pamilya niya na mag-invest ng business abroad ay sinabi nitong, “Pag-aaralan pa po.”


Sa dalas kasi ng pagpunta ni Alden abroad either dahil sa trabaho o bakasyon, hindi naman nakapagtataka kung meron siyang nakakasalamuhang mga business-minded people at ineengganyo siya.


Ngayon ngang tuluy-tuloy na naman ang shooting nila ni Kathryn Bernardo sa Canada

para sa Hello, Love, Again, malamang na may mga pag-uusap na tungkol dito lalo pa’t may mga relatives pala sila roon.


And yes, dahil na rin sa Sparkle World Tour na pupuntahan nila ang USA, Japan at Canada, tiyak ding may mga opportunities na lalapit kay Alden.


“For as long as feasible at mapagkakatiwalaan po, bakit hindi?” ang more or less segue ni Alden.


Makakasama nga pala ni Alden sa Sparkle World Tour sina Yorme Isko Moreno, Ruru Madrid, Bianca Umali, Ken Chan, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, Jillian Ward, Betong at Boobay.


Kaya sa mga Pinoy abroad, abangan n’yo po sila ngayong August 9-10 sa USA at 11 and 17 naman sa Canada, plus meron pa this September sa Japan.


 

BALIK-PRODUCER na pala si Mayor Ina Alegre under Vivamax’s Huwad.

Excited si Mayora sa bagong movie nila dahil bukod sa naipo-promote at naipapakita raw ang mga nakakubli yet magagandang lugar nila sa Pola, Mindoro ay naka-touched base pa rin siya sa showbiz na first love naman niya.


Bida sa movie sina Azi Acosta, Aerol Carmelo at Chloe Jenna sa direksiyon ni Reynold Giba.


May thriller-horror element ang movie dahil sa aspeto ng ‘kulam o pambabarang’ sa love story ng mag-asawa at pangangaliwa. 


Meron ding ‘girl love’ ang mga pangunahing bida rito kaya’t ayon nga kay Mayora Ina,

“Something old and new, but still relevant.”


Well, nagrereyna pa rin si Azi sa Vivamax na bongga na nga ring nakatawid sa mainstream TV series.


“But the offer is good, the producer and director are my friends, story-wise, bago para sa ‘kin. Paano ko naman po ‘yan tatanggihan?” sey pa ni Azi.

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page