top of page
Search
BULGAR

Manahimik sa bahay kung hindi naman APORs

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | August 08, 2021



Nitong Biyernes ay muling nagbalik-ECQ ang National Capital Region. Bukod sa dalawang linggong ECQ, inanunsiyo rin ng Philippine National Police (PNP) na maghihigpit sila sa paggalaw ng mga tao mula sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila.


Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, magiging individual bubble na ang trato nila sa bawat lungsod sa NCR.


Dahil dito, magkakaroon ng inter-city checkpoints sa NCR at hindi pahihintulutang tumawid sa ibang lungsod ang mga hindi authorized persons outside of residence (APORs).


Umaaasa ang PNP na sa tulong nito, bababa na ang bilang ng active COVID-19 cases sa bansa.


Sa panahon ng pagkakasulat ng pitak na ito, inilagay na ng Department of Health ang walong lungsod sa NCR sa alert level 4 dahil mas mataas na sa 70% ang hospital utilization rate sa mga lugar na ito.


Ang mga lungsod na nasa alert level 4 ay Las Piñas, Muntinlupa, Pateros, Quezon City, Taguig, Malabon, Makati at San Juan.


☻☻☻


Sa gitna naman ng pandemya ay nabigyan ng rason ang sambayanan na magbunyi dahil sa galing na ipinamalas ng mga atletang Pinoy sa Olympics.


Ngunit bukod dito, dapat din nating ipagbunyi ang pagkapanalo ng dalawang mag-aaral ng Philippine Science High School (PSHS) sa 53rd International Chemistry Olympiad (IChO).


Nanalo sina Ron Angelo A. Gelacio mula sa PSHS-Main Campus at si Nathan Wayne F. Ariston mula sa PSHS-Central Mindanao Campus ng silver medals mula sa patimpalak na ito na ginanap virtually sa Japan noong Hulyo 25 hanggang Agosto 2.


Nariyan din sina Shanley Valenzuela at Mark Joshua Daquipil na parehong mag-aaral ng Philippine Science High School — Cordillera Administrative Region Campus (PSHS-CARC) na kinilala bilang “Most Outstanding Delegates” sa Model United Nations of the University of Chicago Singapore 2021 (MUNUC SG 2021) na ginanap noong Hulyo 30 hanggang Agosto 1.


Congratulations sa inyo at nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon sa inyong mga kapwa mag-aaral.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ngmga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page