top of page
Search
BULGAR

Manager na si Lolit, tutol sa senador… LORNA, TODO-KILIG SA GINAGAWA SA KANYA NI LITO

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Oct. 17, 2024



Photo: Lorna Tolentino at Lito Lapid - FB


Nagsalita na si Lorna Tolentino sa tsikang nagiging totohanan na ang PriManda love team nila ni Sen. Lito Lapid sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ).


Dumating si Lorna sa grand launching ng mga bagong endorsers ng Belle Dolls by Beautederm na ginanap kahapon sa Novotel Hotel at dito ay nakorner ng press ang Grand Slam Queen tungkol sa tsismis sa kanila ni Sen. Lito.


Ibinuking kasi kamakailan ng manager niyang si Lolit Solis na nanliligaw daw ang aktor/pulitiko kay Lorna, kaya lalong umingay ang isyu tungkol sa kanila.


“Ay, naku, ewan ko kay ‘Nay Lolit!” natatawang sabi ni LT. 

Dagdag niya, “Hayaan na natin ang nanay ko, ‘no! Alam mo naman ‘yung nanay ko, hayaan na natin.”


Kahit pa nga maraming kinikilig sa love team nila at marami ang nagwi-wish na maging sila in real life, ayon sa aktres ay hindi naman daw ito puwedeng mangyari.

“Alam naman nating hindi puwede ‘yun. Okay?” aniya.

“Para lang sa love team talaga,” paglilinaw pa niya.


Asked kung ano ang sabi ni Sen. Lito sa kanilang pagkaka-link, ani LT, “Okay lang naman po, magkumpare naman kami, magkaibigan, wala namang problema.”


Pero ani LT ay natutuwa naman siya na tinatanggap ng mga tao ang PriManda (Primo at Amanda) love team at ikinukumpara pa sa KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at sa iba pang young love teams.


Biro nga niya, at least daw ay buhay pa ang PriManda unlike KathNiel nga naman na nabuwag na.


Natanong din ang aktres kung ano ang masasabi niya na tutol si ‘Nay Lolit if ever na maging sila ni LL at pakli ng aktres, “Okey lang din kung ayaw niya, ‘di naman s’ya ‘yung involved.”


Aminado naman siyang nakaka-bagets din for her na at her age ay may ka-love team pa siya na may inili-link pa sa kanya.


“Nakaka-bagets ‘yun. Nakaka-bagets na mayroon pang mga ganyan at nabubuhayan ng loob ang mga senior citizens,” sey niya.


So, parang tinutuldukan na niya na hindi sila puwedeng magkaroon ng relasyon ni LL?

“Hindi ko naman tinutuldukan, wala naman akong sinabi,” sambit niya at natatawang dagdag pa niya, “Sa ngayon (hindi puwede), ‘di mo masasabi ‘yung future.”


Biglang dumating si ‘Nay Lolit habang kausap namin si LT kaya naman siya ang binalingan ng press. Pero pinanindigan niyang talagang ‘nilalandi’ raw ni Sen. Lito si Lorna. Hahaha!


Anyway, ipinakilala na nga kahapon sa media launch ang apat na bagong endorsers ng Belle Dolls na sina Sparkle artists Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Shaira Diaz at Sofia Pablo.


 

PARA kay Juan Karlos Labajo, tapos na ang issue sa kanila ng nakaalitang best friend na si Darren Espanto at open daw siya para sa posibilidad ng pagkakaayos.

Matatandaang parehong naging contestant sina JK at Darren ng The Voice Kids (TVK) noong mga teenager pa sila at dito rin nagsimula ang kanilang friendship.


Habang lumalaki sila ay nasaksihan din ng buong showbiz at kani-kanilang mga fans ang kanilang pagkakaibigan hanggang sa magkaroon sila ng falling out nu’ng 2018.

Hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakaayos at marami rin ang nag-aabang sa kanilang reconciliation.


Sa mediacon last Tuesday para sa first major concert ni JK na Juan Karlos Live ay isa nga sa mga naitanong sa kanya ay kung kumusta na sila ni Darren.


Naging honest naman si JK at sinabing hindi niya raw sana ito gustong pag-usapan muna pero diretso naman niyang sinagot na open siya sa possibility ng pagkakaayos.


“It’s not something I wanna talk about, definitely. It’s not something that’s part of my day-to-day thoughts.


“Ako naman, on my end, without mentioning anybody, it’s really. . . we’re all grown-ups here and ako, more than anything, love is what matters most.


“So, alam mo ‘yun, my door is open wide in terms of… Diyos ko naman, talagang mai-stress pa ba tayo sa mga ganyang drama? Ang dami kong drama sa buhay,” nakangiti niyang sey.

“I’ve always been fine. Actually, I’ve always been open, I’ve always been kind and I will never speak on other people’s behalf. For my end, ako, there’s nothing negative on my end,” pahayag pa ng singer/actor.


Iginiit muli ni JK na para sa kanya ay tapos na ang issue nila ni Darren, lalo pa nga’t mga bata pa sila noong mangyari ang kanilang alitan.


“And again, in relation to this topic, anything for my end, I’m open and I am way past all of those things and now, I’m just really focused on the concert,” sey ng singer behind the hit songs Demonyo, Buwan at Ere among others.


Samantala, excited na ang actor/singer para sa kanyang concert coinciding with his 10th anniversary in the industry. Gaganapin ito sa November 29 at the SM Mall of Asia Arena.

“This is a dream come true. This proves that there is room for everyone in the music industry. I’ve always wanted it, and it’s finally happening. Thanks to Nathan Studios (the producer) who believes in my worth and artistry,” pahayag ng binata.


Directed by Paolo Valenciano with Karel Honasan as musical director, tickets for Juan Karlos Live are now available.


The concert is produced by Nathan Studios of Atayde family with the support of Universal Music Group Philippines.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page