ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 18, 2021
Kung pagbabasehan ang kontratang pinirmahan niya sa Viva Artist Agency (VAA), hanggang year 2029 pa mananatili si Nadine Lustre sa kanyang talent management.
Hindi siya makakatanggap ng anumang show, pelikula at product endorsements na walang permiso ng VAA.
Hindi ganu'n kadali ang gustong mangyari ni Nadine na magpa-release ng kontrata sa VAA. Unless, bibilhin niya ang kanyang kontrata tulad ng ginawa ni James Reid.
Puwede rin naman na ibigay niya o babayaran sa VAA ang 40 percent ng komisyon sa kikitain niya sa mga shows, pelikula at endorsements na kanyang tatanggapin hangga't nakatali siya sa Viva.
Bagama't hindi pabor kay Nadine ang naging desisyon ng korte para makawala siya sa kontrata niya sa VAA, umaapela pa rin si Nadine Lustre.
Marami naman ang labis na nanghihinayang sa kinauwian ng career ngayon ni Nadine. Maganda ang kanyang pagsisimula nang i-manage ng Viva ang kanyang career. Kapag natengga siya nang matagal at naging "frozen star”, mawawalan na ng ningning ang kanyang career.
Malaki ang mawawala sa kanya. Kaya dapat na mag-isip-isip munang mabuti si Nadine Lustre. Humingi siya ng professional advice sa mga taong nakakaintindi ng batas. Subukan din niyang makipag-heart-to-heart talk kay Boss Vic del Rosario at baka ma-settle nila nang maayos ang problema.
Comments