ni Gerard Arce @Sports | February 22, 2023
Mga laro sa Huwebes:
(FilOil EcoOil Centre)
4:00 n.h. – Choco Mucho Flying Titans vs Army Black Mamba
6:30 n.g. – Petro Gazz Angels vs PLDT High Speed Hitters
Naging maliwanag ang takbo ng laro ng Akari Chargers sa pangunguna ng pambatong spiker at middle blocker na si Aleona Denise “Dindin” Santiago-Manabat upang putulin ang 3-game losing skid at makuha ang unang panalo sa bisa ng straight set 25-18, 25-19, 23-25, 25-19 kontra Army Black Mamba Lady Troopers sa unang laro ng 2023 season Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Bigay-todo sa paghambalos ng bola ang 6-foot-2 one-time league champion na si Santiago-Manabat ng kumana ito ng team-high 23-puntos mula sa 20 atake, 2 blocks at isang service ace upang makuha ang unang panalo sa apat na laro.
“Ramdam namin (na kaya naming manalo) kase everytime na sinasabi namin na makakuha lang kami ng isang set at makuha namin 'yung momentum, alam naming magdidiretso na yung panalo,” wika ni Santiago-Manabat, na nakakuha rin ng suporta mula kina Chiara Permentilla na tumapos ng 13 puntos mula sa lahat ng atake, kasama ang 10 excellent receptions at walong digs at Princess Ezra Madrigal na may 10 puntos.
Hawak ng 2-0 kalamangang set, hindi sumuko ang Lady Troopers sa 3rd set ng makipagsabayan ito sa atake sa 13 kaantabay ang siyam na errors ng Akari upang madala ang laro sa 4th set na tumagal ng 41 minuto.
Mula sa 16-16 tabla sa 4th set, nakipagsanib-puwersa si Santiago-Manabat kina Permentilla at Madrigal, kabilang ang ilang errors ng Lady Troopers upang iukit ang 9-3 blast.
Bình luận