top of page
Search
BULGAR

Malusog na 7-anyos, ‘di alam na naturukan ng Dengvaxia, patay sa bakuna

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Daing mula sa hukay | November 13, 2020


Napakabigat ng responsibilidad ng mga awtoridad. Alinsabay ng pagiging mahusay nila sa kanilang propesyon, kailangan din na sila ay maingat sa pagsasagawa ng kanilang mga responsibilidad at inaasahan na nasa isip nila ang kagalingan at kabutihan ng mga taong kanilang pinaglilingkuran. Kaugnay nito, maitatanong natin kung bakit may mga awtoridad na tila hindi pansin ang pangangailangan ng ating mga kababayan kahit malubha na ang sitwasyon na kanilang inihihingi ng tulong. Nangyari ito kina Mang Felix Noel Vasquez at Aling Honey Dee De Luna Rosal ng Rizal noong dalhin nila sa isang ospital sa kanilang lugar ang kanilang anak. Ani Aling Honey:


“Noong December 6, 2017, dahil sa kanyang patuloy na pagsusuka, matinding pananakit ng ulo at tiyan na dahilan din ng pagsigaw niya sa sakit ng mga ito ay dinala namin siyang muli sa naturang ospital, subalit hindi siya naasikaso agad hanggang sa magtaray ako sa mga tao roon at saka pa lang dinala si Gillianne sa emergency room. Dahil sa kawalan ng bakanteng kuwarto ng ospital, dinala muna si Gillianne sa hydration room at binigyan siya ng swero.”



Ang dinala nilang bata sa nasabing ospital ay si Gillianne Rosal Vasquez. Siya ay 7-anyos nang namatay noong Disyembre 8, 2017 at siya ang ika-40 sa mga naturukan ng Dengvaxia, at nakaranas bago siya namatay ng sintomas na kasama sa common pattern of four serious adverse effects (anaphylactic allergic reaction, viscerotropism (pamamaga, paglaki at pagdurugo ng laman-loob), neurotropism (pamamaga at pagdurugo ng utak), and increase in severity of dengue disease) consistent sa Sanofi Declaration of Four (4) Identified and Expected Risks in its Submission for Authorization sa Food and Drug Administration (FDA) {22 Disyembre 2015} — na sumailalim sa forensic examination ng PAO Forensic Team, pagkatapos hilingin ng kanilang mga pamilya. Si Gillianne, kasama ang kanyang ate na si Daniela R. Vasquez, ay naturukan ng Dengvaxia sa oval ng kanilang paaralan sa Rizal noong pagpasok ng 2017.

Nang sumapit ang Nobyembre 2017, napansin nina Mang Felix at Aling Honey na nag-iba ang kalusugan ni Gillianne. Madalas na diumano siyang nagkakaroon ng lagnat at iba na siya kung tumingin. Anila, “Nakakunot ang noo at patagilid kung tumingin si Gillianne. Napansin din naming laging mugto ang kanyang mga mata at naging sensitibo sa liwanag. Sinamahan din ang mga ‘yun ng pagkahilo at pagsusuka.” Dahil nilalagnat din siya, dinala siya ng kanyang mga magulang sa isang health center, sinabi ng doktor na siya ay mayroong UTI at impeksiyon sa dugo. Binigyan lang siya ng antibiotics at ang sakit naman ni Gillianne ay nagagamot at umuwi na sila sa kanilang bahay. Guminhawa naman si Gillianne, subalit nang sumapit ang huling linggo ng Nobyembre ay tumindi ang pananakit ng tiyan at ulo niya. Pinainom siya ng kanyang mga magulang ng paracetamol, gayunman, lalo pang lumala ang kanyang kalagayan na humantong sa kanyang kamatayan. Ito ay naganap sa iba’t ibang petsa ng Disyembre, 2017. Narito ang ilan sa mga detalye ng mga kaugnay na mga pangyayari:

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page