top of page
Search
  • BULGAR

Maling desisyon, sinira ang buhay, nagpa-tattoo… SNOOKY, SISING-SISI NA NAKIPAGHIWALAY KAY RICARDO

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 22, 2024



Showbiz news
Photo: Snooky Serna - Ito ang Tondo Morly Alinio

“The harm has been done, nasira na ang pamilya. I was so proud and foolish at that time, na kinasangkapan ng kalaban natin, and we acknowledge that there is an enemy,” ito ang pahayag ni Snooky Serna sa paghihiwalay nila ng asawang si Ricardo Cepeda sa panayam nito kay Morly Alinio sa vlog nitong Ito ang Tondo sa YouTube (YT).


Inamin ng aktres na siya ang may kasalanan kung bakit sila naghiwalay ng ama ng kanyang dalawang anak na sina Sam at Sachi dahil nakinig siya sa mga sulsol ng mga nakapaligid sa kanya. 


Siya rin ang nag-file ng annulment at sa huli ay matindi niyang pinagsisihan.

Sabi ni Snooky, “I’m sorry, I’m just being very honest po. Manghihinayang ka talaga kapag dumating ka na sa punto na nagkahiwalay ang pamilya at nagkawatak-watak kayo, at sa huli talaga ang pagsisisi, talagang nagsisisi ako sa pamilyang binuo ng Diyos.”


Humingi siya ng ‘sorry’ sa dating asawa. 


“Si Richard kasi is so forgiving, eh. He forgave me and we became close friends, but he is civil and up to this moment, very civil pa rin si Ricardo sa ‘kin,” sambit ng aktres na content creator na rin ngayon.


Isa pang diretsong inamin ni Snooky ay noong nag-aaral pa ang mga anak nila ni Ricardo at kailangan silang dumalo sa mga school events ay talagang nagkukunwari siyang okey pero ang totoo ay hindi.


“I was putting a brave front na kunwari unaffected ako, pinanindigan ko ‘yung kalokohan ko, ‘yung desisyon, but deep inside ‘yung puso ko, parang binibiyak, pinipiga, at durog na durog talaga dahil sa pagsisisi na pinakawalan ko ‘tong taong ‘to na matino, mabuting tao, disente.

He comes from a good family, he’s everything that a woman would wish for — masipag magtrabaho, disenteng tao, may takot sa Diyos,” pagtatapat nito kay Morly.


Matatandaang may mga panahong nawala sa limelight ang aktres dahil nag-self-destruct siya.


“Nagpa-tattoo ako, ang daming tattoo sa likod ko. I’m not against self-expression, walang basagan ng trip. Kung gusto mong magpa-tattoo for the right reasons, do it. It’s not like you murdered someone, 'no!


“If you’re going to a tattoo artist, para sa ‘yo, maganda ‘yun, it’s a form of art, I’m not saying magrebelde kayo sa mga magulang ninyo at 'pag sinabing ‘wag ninyong gawin, gawin n’yo pa rin, 'no! I’m not saying that,” katwiran ni Snooky.


Dagdag pa niya, “Siguro it’s a form of self-mutilation na sinaktan ko ang sarili ko because I was guilty of something na ‘di ko na maayos.


“And no matter how I knew, alam ko namang intelihente ako, baka nga ginusto kong ma-feel ‘yung pain na ‘yun to make up for the pain that I caused my children.”


Pero nang gustuhin na ng mga anak niyang magpalagay din ng tattoo, “Ako, as a parent, pinayagan ko ‘yung mga anak kong magpa-tattoo but very, very miniscule, very respectable.”

Aminado ring nagsisisi ang aktres sa pagpapalagay ng mga tattoo sa katawan niya at gusto niyang ipabura. May nagsabing masakit through laser kaya hinayaan na lang niya.

“May dalawang tattoo akong hindi pinagsisisihan, ‘yung picture ng mom and dad ko, but the rest, gusto ko nang ipa-laser kung maaari, pero sabi nila, masakit daw. So you just have to live with these, panindigan na lang natin ‘to, Tito Morly. Hahaha!”


“Ngayon tuloy, you suffer the consequence. May mga ganap tayo na kailangan ay pormalan, hirap na hirap ang aking team sa pagtatakip ng aking tattoos kaya nagpapasalamat ako sa aking stylist na knows how to cover me up. I would like to thank my friend Suzzanne Jocson Bangsil for making me look beautiful,” kuwento ng aktres.


Samantala, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kasalukuyang nasa piitan si Ricardo sa kasong ‘syndicated estafa’ dahil sa mga kakilalang investors ng isang kumpanya na ang tanging partisipasyon niya ay endorser at wala nang iba pa.

Huling balita, gumawa ng GoFundMe ang kapatid niya nitong Marso 2024 para sa kanyang pampiyansa at panggastos sa abogado.


At sa kasalukuyan, nasa Tuguegarao, Cagayan Provincial Jail nakapiit si Ricardo at naghihintay ng kanyang hearing na palaging nade-delay.


Sa tanong ni Morly kay Snooky kung ano ang reaksiyon niya ngayon na nasa piitan ang dating asawa at ama nina Sam at Sachi, ani ng aktres, “Tito Morly, at this point in time, I don’t think it’s my place to say anything because una sa lahat, everything is still in court pa and I don’t want to aggravate the situation. At the same level, inirerespeto ko si Marina (Benipayo) as Richard’s partner and wife. I don’t think it’s my position to say anything about that.


“But if you ask me about Richard’s character, he is a good man. He is a man who is God-fearing, he is a person who has always been kind, who has always been sincere in his feelings, may kunsensiya,” katwiran ng ex-wife ng aktor.

Naawa ba siya kay Ricardo?


“I know he will get through this sa awa ng Diyos. May Diyos tayo at kung ‘di man natin kaya, ang Diyos na ang magbi-vindicate sa ‘tin,” saad ng aktres.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page