top of page
Search
BULGAR

Malaysia bubuksan na ang borders sa April 1

ni Jasmin Joy Evangelista | March 10, 2022



Muling bubuksan ng Malaysia ang borders at lahat ng biyaherong papasok dito ay hindi na kailangan pang mag-apply sa MyTravelPass.


Kailangan na lang i-download ng mga biyahero ang MySejahtera application at sagutan ang pre-departure form sa ilalim ng “Traveller” section, ayon kay Prime Minister Datuk Seri Ismail Sabri Yaakob.


“The reopening of the country’s borders was one of the much-awaited announcements among the rakyat.”


“We believe that the reopening of the borders on April 1 will not only bring freedom for the rakyat (ordinary people) to travel abroad but also allow those from other countries to visit Malaysia,” pahayag ng Prime Minister sa isang press conference.


Ang mga turista at Malaysians na fully vaccinated na kontra COVID-19 ay hindi na kailangan pang mag-quarantine pagdating doon.


Gayunman, required silang magpa-RT-PCR test dalawang araw bago ang kanilang departure at professional rapid test (RTK-Antigen) pagdating sa Malaysia.


“They can do the RTK test at the airport or at a health facility outside, but it must be done within 24 hours,” ani Ismail Sabri.


Para naman sa mga biyaherong hindi pa fully vaccinated, nakatakda pang ianunsiyo ni

Health Minister Khairy Jamaluddin ang entry procedures.


“The country wants to provide comfort to travelers and not complicate their travel process,” dagdag pa ng Prime Minister.


Para naman sa mga Malaysians, malayang makabiyahe sa ibang bansa ang mga mayroong valid documents.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page