top of page
Search
  • BULGAR

Malapad ang balakang, taba lang daw talaga… JULIA, 'DI BUNTIS, MALIIT NA ANG TIYAN

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | September 27, 2022



Aminado kaming isa sa mga nagsulat na baka buntis si Julia Montes base na rin sa obserbasyon ng mga netizens na nakapanood sa pagtatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.


Kitang-kita naman kasi na ang taba that time ni Julia bukod pa sa puro mukha niya ang ipinakita at nu’ng kunan siya nang patagilid ay napansing malapad ang balakang niya.


Kaya iisa ang paniniwala ng mga netizens — buntis ang aktres at ang rumored boyfriend niya ang ama, si Coco Martin.


Ilang beses kaming nagtanong sa talent management ni Julia, ang Cornerstone Entertainment at iisa ang sagot sa amin, "Hindi po."


Sabi namin, bakit mataba at malapad ang balakang ni Julia? Simple ang sagot sa amin, “Nasarapan sa bakasyon po kaya tumaba, pero now, workout na ulit siya.”


Hanggang sa may nagsabi sa amin na tinanggap ni Julia ang offer ni Direk Richard Somes na action film titled Topakk na sina Congressman Arjo Atayde at Sid Lucero ang mga kasama.


So, totoo nga na hindi buntis kasi action film ito. Kung bibilangin ang buwan na sasabihin ng iba na baka nanganak na siya, malabo pa rin dahil buwan ang aabutin bago ulit makagawa ng pelikula, lalo’t action pa.


Anyway, hindi pa rin namin ito isinulat dahil wala kaming hawak na ebidensiya na tumanggap na nga si Julia ng movie project, hanggang sa nag-post na ang Cornerstone Entertainment ng mga larawan ni Julia kasama nga sina Cong. Arjo, Sid with other cast na sina Kokoy de Santos, Vin Abrenica, Paolo Paraiso, Cholo Barretto, Julio de Leon at Sylvia Sanchez.


Ang caption ng Cornerstone Entertainment sa mga larawan ni Julia: “Nagsimula na si Julia Montes mag-immersion training para sa TOPAKK, ang inaabangang action thriller film ni Direk Richard Somes (emoji clapperboard).”


Sabi ng taga-production na nakakita kay Julia, “Grabe, ang payat niya, ang liit ng mukha, ang sexy.”


Wala pang ibinigay na detalye sa amin kung ano ang kuwento ng pelikula. Basta ang sabi lang ay action ito at kaya tinanggap ng aktres ang movie ay dahil type nga niya ang action films.


Siguro, gusto ng aktres ng may follow-up project siya after niyang magpakita ng skills sa FPJ’s Ang Probinsyano.


0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page