ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 19, 2023
Ano nga ba ang mga “what ifs” sa buhay o sa mga naging relasyon nina Bea Alonzo at Dennis Trillo?
Ito ang naitanong sa dalawang bida ng bagong GMA-7 series na Love Before Sunrise. Ang kuwento nga kasi ng nasabing serye ay mga “what ifs” ng dalawang tao.
Ani Bea, secret na lang daw ang “what if” niya. Pero dagdag niya, “Eto lang ang sasabihin ko, hindi ako madalas mag-‘what if’ kasi ‘pag nagmahal ako, ibinibigay ko nang buung-buo.”
'Kaaliw naman ang sagot ni Dennis, “‘Yung ‘what if’ kasi sa buhay, parang may pagsisisi ka.
Siguro ako, ang ‘what if’ ko, what if naging bading ako sa totoong buhay? Ang dami ko sigurong naging boyfriend. Ang landi ko siguro.”
Tawanan.
Ang Love Before Sunrise ay kuwento ng “right love at the wrong time” at maraming “what ifs.”
Ito ang pangalawang collaborative series ng GMA Network at Viu, ang leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service.
Comments