ni Ka Ambo @Bistado | Jan. 8, 2025
Ayaw umalis ng monster ship ng China sa bisinidad ng karagatan ng Zambales.
Paano ngayon ‘yan?
-----$$$--
INITSAPUWERA sa National Security Council si VP Sara at mga ex-president.
Sino bang kalaban ng soberanya?
Ang China o ang mga pulitikong Pinoy?
Pakisagot po!
-----$$$---
IKINAKALAT sa international media ang isang panibagong pandemic.
Peke o hindi?
-----$$$---
HINDI na magkadatuto ang Pinoy dahil sa mga break up, break up na ‘yan.
Magkabalikan pa ba talaga?
Magkabalikan kaya sina VP Sara at PBBM?
Third party o first party?
-----$$$--
MARAMING mababago sa pag-upo ni US president-elect Donald Trump.
Kasama r’yan ang takbo ng buhay ng mga Pinoy.
-----$$$---
HINDI pa tumitindi ang malamig na klima sa ‘Pinas.
Paano kapag dumami na ang inuubo, sinisipon at nilalagnat?
----$$$---
INAPRUBAHAN na ang 2025 national budget.
Nagtatatarang sa tuwa ang mga ‘buwaya’. Hagikhik naman ang mga amuyong.
----$$$--
BIGO ang Comelec na pigilin ang illegal campaign ng mga pulitiko.
Dayaan ay malinaw na nagaganap at kinukunsinti.
----$$$--
ALAM na natin ang magiging resulta ng eleksyon sa Mayo.
Magwawagi kung sino ang may pinakamalaking budget sa propaganda.
‘Yan mismo ang demokrasya.
-----$$$---
TATAAS ang presyo ng petrolyo.
Pautot-utot lang ‘yan.
----$$$---
IKINATATAKOT ang paglaganap sa paggamit ng artificial intelligence.
Kailangan ‘yan sa Kongreso — para magkaroon sila kahit “peke” lang.
----$$$--
HINDI na nalalayo na magsanib na ang mga robot at aktuwal na tao.
Hindi na bagong balita ‘yan, matagal nang nagaganap ‘yan.
----$$$--
MAGIGING immortal na ang mga personalidad at mabubuhay na ang mga patay.
‘Yan mismo ang ibig sabihin ng artificial intelligence.
Kakaunti ang nakakaunawa nito.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.
Comments