ni Julie Bonifacio - @Winner | October 05, 2021
Sasabak muli sa pagtakbong kongresista ang aktor at mayor ng Ormoc City na si Richard Gomez.
Unang tumakbo bilang congressman si Mayor Goma noong 2001 bilang partylist representative ng Mamamayan Ayaw sa Droga (MAD). Nanalo ang partylist nina Goma, pero na-disqualified din dahil ang pondo raw nila ay galing sa gobyerno.
Muli siyang tumakbo noong 2010 as congressman ng Ormoc City, pero na-disqualified ulit dahil sa kakulangan daw ng residency sa bayan ng kanyang misis na si Congresswoman Lucy Torres.
Pagkatapos ay tumakbo ulit si Goma sa Ormoc bilang mayor noong 2013. Again, na-lost siya sa kanyang mayoralty bid. At noong 2016, finally, nakalusot si Goma at nanalong mayor ng Ormoc City at na-reelect pa noong 2019.
May one term pa sana si Goma to run as Ormoc City mayor, pero ang misis niya, last term na sa Kongreso.
Kesa mabakante ang political career ni Congw. Lucy, nag-swap na lang sila ni Mayor Goma. Si Congw. Lucy naman ang tatakbo bilang mayor ng bayan nila sa 2022 national elections.
Kapag nanalo si Goma as representative ng 4th District of Leyte province, ngayon lang pala siya magiging kongresista.
Na-excite kami sa pagtakbo ni Goma sa Kongreso sa darating na halalan. Ang tsika kasi, kapag nanalo raw si Goma, he will do his best to help restore the franchise of ABS-CBN.
Aminado kasi si Goma na kung wala ang Kapamilya Network, walang Richard Gomez sa showbiz. Malaki raw ang utang na loob niya sa ABS-CBN.
"I was a long-time employee of ABS-CBN. I worked in ABS for 18 years," sabi ni Mayor Goma in one of his interviews.
True naman si Mayor Goma d’yan. Kung puwede nga lang bumoto kami sa Ormoc, eh, di ginawa na namin para iboto siya. But, sure naman kami na mananalo na sa kanyang third attempt si Goma to run for a congressional seat next election.
Kommentare