ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 6, 2023
Four months nang nagsa-suffer sa malubhang karamdaman sa kanyang internal organs ang sikat na singer-cum actress na si Malu Barry.
Malaki na rin ang nagagastos ni Malu sa kanyang mga laboratory tests at mga gamot, pero pinayuhan siya ng kanyang doktor na puro herbal lang ang inumin at maging healthy ang lifestyle.
Kaya for now, puro herbal drinks na nga lang ang kanyang iniinom, and in fairness, tipong nakabuti nga sa kanya dahil mas gumanda at sumeksi pa siya.
Bukod diyan, nabanggit din niya sa amin na nawala ang dalawang negosyo niya sa Davao kaya medyo inaatake siya ng depresyon.
Pero sa kabila ng kanyang mga pinagdaraanan, pinaghahandaan niya ang nalalapit niyang concert na gaganapin sa The New Music Bar sa Timog, QC this coming June 18 na ang kikitain ay para sa patuloy niyang pagpapagamot.
Harinawa ay gumaling na ang sakit sa internal organ ni Malu sooner than soon at huwag siyang matulad sa dating producer ng longest-running TV show noon ni Nora Aunor titled Superstar.
Failure of internal organs ang ikinamatay 2 years ago or last year lang yata ni Ate Kitchie Benedicto of KB Entertainment.
Si Malu ay sumikat as Fiery Soul Torch Diva lalo na nu'ng nagkasama sila ng namayapa na ring sikat na singer na si Rico J. Puno sa gabi-gabi nilang gigs noon sa Spindle Music
Bar sa Tomas Morato kung saan ay naging tagahanga ni Malu ang very famous movie director noon na si Direk Lino Brocka at ginawa nga siyang artista nito sa pelikulang Kislap sa Dilim.
At bago nag-pandemic ay nakagawa rin siya ng pelikulang Jesusa with Sylvia Sanchez na ang director naman ay si Ronald Carballo.
Kinilala rin si Malu Barry as Bonnie Tyler at Tina Turner ng ating music industry, in pernes.
'Niwey, praying for your speedy recovery, MB, and may our Lord God Savior Jesus Christ grant you His great miraculous healing power now. Amen!!!
header.all-comments