top of page
Search

Malaki ang utang na loob sa aktres… COCO, NAPUNTA SA ABS-CBN DAHIL KAY JACLYN

BULGAR

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 7, 2024



Sa panayam ni Coco Martin sa ABS-CBN News ay may premonition (feeling of something about to happen) na pala siya sa pagkamatay ng aktres na si Jaclyn Jose sa huling taping nito ng FPJ's Batang Quiapo.


Sa eksenang nagpapaalam na si Jaclyn bilang si Chief Dolores Espinas kay Bubbles played by Ivana Alawi ay ang tindi ng pag-iyak nu’ng una, na tila huling pagkikita na nila.

Ang katwiran daw ng premyadong aktres kaya bigay na bigay siya ay, "Kasi parang isa-isa nang nawawala 'yung mga characters sa kulungan, eh.”


Tanda pa ni Coco na panay daw ang yakap at I love you sa kanya ni Jaclyn. At nu'ng dumalo raw sila sa Panagbenga Festival sa Baguio City kasama si Cherry Pie Picache ay wala silang ginawa kundi pagkuwentuhan si Jaclyn.


“Pagdating ko pa lang ng Baguio, ikinukuwento ko na siya (Jaclyn) kay Cherry Pie. 'Pie, alam mo, pinagkukuwentuhan namin ni Mommy Jane si Ma’m Charito Solis, si FPJ (Fernando Poe, Jr.).'" 


Nang matapos ang show ay tuloy pa rin daw ang tsikahan nila ni Cherry Pie tungkol sa namayapang aktres.


“Tapos 'yung gabi after ng show sa Baguio, siya pa rin ‘yung pinagkukuwentuhan namin. ‘Yun pala, hindi namin alam, may nangyari na pala,” sambit ni Coco.


Nabanggit pa na sila ni Cherry Pie ang unang pumunta sa bahay ni Jaclyn nang malaman nilang may nangyari nu’ng gabi ng Linggo (March 3).


“Pumunta kami agad ni Cherry Pie sa bahay niya. Seven (in the evening), nandu’n na kami sa labas. Siyempre, nagulat talaga lahat kami. Hindi namin inaasahan na mangyayari ito,” pag-alala ng aktor.


Samantala, inamin ni Coco na si Jaclyn ang dahilan kung bakit siya nasa ABS-CBN.


“Utang na loob ko lahat kay Mommy Jane. Siya ang dahilan kung bakit ako nandito sa ABS-CBN. Kung bakit lahat nangyari sa buhay ko. Siya ang kasama ko sa kauna-unahang indie movie ko na Masahista. Siya ang nag-convince sa akin na pumasok sa TV, sa ABS-CBN,” kuwento ng aktor-direktor at producer.

 


Sino kaya ang endorser at ano'ng produkto ang ipino-promote ng viral billboard na nasa C5 Southbound na may nakalagay na, "'Wag na tayo mag-break, please?” at letrang D ang inisyal ng pangalan na nagsabi ng naturang linya.


In fairness, tagumpay ang campaign promo na ito dahil ang video na in-upload ng isang content creator-vlogger na si Gifer Fernandez ay umabot na sa 17 million views, 382,000 reactions, 10,000 comments, and 41,000 shares sa Facebook.


Inisip tuloy ng mga netizens na sina Daniel Padilla at Dominic Roque ito, dahil parehong nahiwalay sa kani-kanilang mga dyowang sina Kathryn Bernardo at Bea Alonzo na recently ay nagkabalikan na raw.


Nakisawsaw naman ang singer-actor na si Darren Espanto dahil nu’ng i-tag siya na baka siya itong nagsusumamo na huwag nang mag-break ay sumagot siya ng, “Ako talaga ‘to.


‘Di ko lang sinasabi kasi private love life ko, HAHAHAHA! 'Kainis.”


Gusto naming maniwalang pribado ang love life ni Darren dahil may alam kami kung sino ang pribadong taong ito na nagwo-work sa isang TV network na hindi naman niya maipakilala sa publiko kasi nga private.


Anyway, tungkol sa viral billboard na ito ay baka puwedeng sagutin ito ng PR (Public Relations) specialist na Unicorn Strategies kung sino si D at ano'ng produkto ang ipino-promote nila.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page