ni Eli San Miguel @Overseas News | Sep. 22, 2024
Humagupit ang malakas na ulan sa northcentral region ng Noto sa Japan nitong Sabado, na nagdulot ng landslide at baha, na nag-iwan ng isang patay at ilang nawawala, ayon sa mga opisyal.
Naging sanhi ang pagbaha ng pag-apaw ng mga ilog, pagbaha sa mga tahanan, at pagka-stranded ng ilang mga residente sa rehiyon na patuloy pa ring bumabawi mula sa nakamamatay na lindol noong Enero 1.
Sa Suzu, isang tao ang nasawi at isa pa ang nawawala matapos tangayin ng rumaragasang baha. Isa pang tao ang naiulat na nawawala sa kalapit na bayan ng Noto, ayon sa prefecture. Sa Wajima, apat na tao ang nawawala matapos ang isang landslide sa isang construction site.
Isang lindol na may lakas na 7.6 magnitude ang yumanig sa rehiyon noong Enero 1, na pumatay ng mahigit 370 katao at sumira sa mga kalsada at iba pang mahahalagang imprastruktura. Ang epekto nito ay patuloy na nakakaapekto sa lokal na industriya, ekonomiya, at pang-araw-araw na buhay ng mga residente.
Commentaires