top of page
Search
BULGAR

Malakas na pagsabog ng Taal, posible — PHIVOLCS


ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 4, 2021



Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na posibleng maganap ang biglaang malakas na pagsabog ng Bulkang Taal dahil sa patuloy nitong pagbuga ng mataas na lebel ng sulfur dioxide.


Nananatili namang nakataas ang Alert Level 3 ngayong Linggo. Sa Taal Volcano Bulletin ngayong araw, ayon sa PHIVOLCS, ang plumes nito ay may taas na 2,500 metro. Saad pa ng PHIVOLCS, "Sulfur dioxide (SO2) emission averaged 14,699 tonnes/day on 03 July 2021.”


Ipinagbabawal pa rin ng PHIVOLCS ang pagpasok sa Taal Volcano Island o TVI at sa mga high-risk barangay katulad ng Agoncillo at Laurel. Bawal din ang pamamalagi at paglaot sa lawa ng Taal at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.


Babala ng PHIVOLCS, maaaring maganap ang “Biglaang malakas na pagsabog, volcanic tsunami, ashfall, at pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page