top of page
Search
BULGAR

Malakas na hangin, nagpalala sa LA wildfire

by Angela Fernando @Overseas News | Jan. 12, 2025



Photo: Los Angeles wildfire - Circulated


Nagpatuloy ang paglaban ng mga bumbero sa tumitinding sunog sa Palisades, Los Angeles, nitong Sabado habang pinalakas ang operasyon sa ere at lupa.


Gumamit ng tubig at fire retardant ang mga aircraft upang pigilan ang pagkalat ng apoy patungong silangan sa kabila ng banta ng malalakas na hangin na aabot sa 70 mph (110 kph).


Sa nakalipas na 24 oras, kumalat ang Palisades Fire sa karagdagang 1K acres (400 hectares), kung saan marami pang mga bahay ang natupok, ayon sa mga opisyal.


Anim na sunog ang sabay-sabay na sumiklab sa iba't ibang bahagi ng Los Angeles County simula pa nu'ng Martes, na nagresulta sa pagkamatay ng hindi bababa sa 16 katao hanggang Sabado ng gabi, ayon sa ulat ng Washington Post at iba pang media, batay sa Los Angeles County medical examiner’s office.


Hindi pa naman maabot ng Reuters ang coroner para sa karagdagang detalye. Ayon sa Cal Fire, nasa 12,000 istruktura na ang nasira o nawasak ng mga sunog. Tinatayang nasa 13 katao ang nawawala pa rin.


Sinabi ng opisyal na si Todd Hopkins, 11% pa lamang ng Palisades Fire ang nakokontrol ngunit umabot na ito sa mahigit 22,000 ektarya ang nasunog.


Inaasahan pang tataas ang bilang ng mga nasawi sa sandaling makapagsagawa na ng house-to-house search ang mga bumbero.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page