ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Jan. 10, 2025
PAHIRAP ANG DAGDAG-BUTAW SA SSS, KAYA TANGA NA LANG ANG BOBOTO SA MGA SENATORIAL CANDIDATE NI PBBM -- Dinepensahan ng Malacanang ang 15% monthly contribution sa mga Social Security System (SSS) member, na ayon kay Executive Sec. Lucas Bersamin ay dumaan naman daw sa masusing pag-aaral ang SSS contribution hike na ito kaya aprub kay Pres. Bongbong Marcos (PBBM).
Ang dagdag-butaw na iyan ay malaking pahirap sa buhay ng mga SSS member, at dahil aprubado ito ng Malacanang ay masasabi nating malaking katangahan na kung may mga miyembro ng SSS ang boboto pa sa mga “manok” ni PBBM sa pagka-senador, period!
XXX
HINDI GINHAWA KUNDI DUSA ANG INABOT NG 31M BUMOTO KAY PBBM -- Bukod sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin, sunud-sunod na oil price hike, 15% sa monthly butaw sa SSS, may isa pang paparating na dagdag-pahirap sa mga commuter at ito ay ang nagbabadyang taas-pasahe sa LRT, na sa biyaheng short distance ay P8.65 ang dagdag, sa medium distance ay P6.00 at sa long distance ay P12.50.
Akala ng 31 milyong botante na bumoto kay PBBM ay giginhawa ang pamumuhay nila kapag naging presidente ito, ‘yun pala ay dusa, tsk!
XXX
FAKE NEWS ANG IBINIBIDA NG MALACANANG, SENADO AT KAMARA NA GUMANDA ANG PAMUMUHAY NG MGA PINOY SA ILALIM NG MARCOS ADMIN -- Sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS) ay 63% pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay mga mahihirap.
Ang survey na iyan ang magpapatunay na fake news ang ibinibida ng Malacañang, Senado at Kamara na gumaganda ang pamumuhay ng mga Pinoy sa ilalim ng Marcos administration, boom!
XXX
KAYA DAMING MAHIRAP DAHIL MARAMI RING ‘KAMAG-ANAK INC.’ POLITICIANS -- Ang isa sa dahilan kung bakit maraming pamilyang Pinoy ang naghihirap ay dahil sa kaboboto ng mga botante sa mga political dynasty o “Kamag-anak Inc.” sa pulitika.
Sa totoo lang, lahat ng magkakamag-anak na pulitiko na may mga posisyon sa pamahalaan ay ubod nang yayaman kasi nga, kung sila ay senador, district congressmen o partylist representatives, lahat sila ay may pork barrel funds, at kung sila naman ay mayor, mayroon silang confidential funds.
Kaya kung nais ng 63% mahihirap na pamilyang Pinoy na guminhawa ang kanilang pamumuhay ay ibasura nila sa eleksyon ang lahat ng mga “Kamag-anak Inc.” candidate na kalahok sa May 2025 midterm elections, period!
Comments