top of page
Search
BULGAR

Malabong paningin, eye strain at sakit sa ulo, sintomas ng astigmatism

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | December 31, 2020





Dear Doc. Shane,


Maaari bang pakitalakay ang tungkol sa astigmatism? Ano ang sanhi nito at paano ito gagamutin? – Jas


Sagot


Ang astigmatism ay karamdaman sa mga mata na maaaring maging dahilan ng paglabo ng paningin. Kadalasan ay hindi ito seryoso at madalas na nagagamot. Ito ay nangyayari sa cornea o sa lente ng mga mata. Ang astigmatism ay maaaring kombinasyon ng nearsightedness o farsightedness. Madalas ang astigmatism ay hindi nangangailangan ng pagsasaayos ngunit, may mga kaso na nangangailangan ng karapat-dapat na aksiyon tulad ng pagsusuot ng salamin sa mata, contact lens o operasyon.


Ang mga sumusunod ay mga uri ng astigmatism:

  • Myopic astigmatism. Isa o parehong principal meridians ng mga mata ay nearsighted. Kapag dalawang meridians ay nearsighted, ang mga ito ay myopic sa magkaibang antas.

  • Hyperopic astigmatism. Isa o parehong principal meridians ng mga mata ay farsighted. Kapag dalawang meridians ay farsighted, ang mga ito ay hyperopic sa magkaibang antas.

  • Mixed astigmatism. Isang principal meridian ay nearsighted at ang kabila ay farsighted.

Ang astigmatism ay maaari ring hatiin sa regular at iregular. Sa regular na astigmatism, ang mga principal meridians ay 90 degrees ang agwat (perpendicular sa isa’t isa). Sa iregular na astigmatism, ang principal meridian ay hindi perpendicular. Karaniwan sa mga astigmatism ay regular corneal astigmatism.


Ang iregular astigmatism ay maaaring sanhi ng mga sumusunod:

  • Pinsala sa mata na nagdulot ng peklat sa cornea.

  • Mula sa operasyon sa mata.

  • Dahil sa keratoconus – isang sakit na nagdudulot ng unti-unting pagnipis ng cornea.


Ang mga pasyente na mayroong astigmatism ay karaniwang nakararanas ng mga sumusunod na senyales at sintomas:

  • Malabo o baluktot na pagtingin

  • Eye strain

  • Sakit ng ulo

Kapag nakaranas ng nasabing mga sintomas, makabubuti para sa pasyente na magpa-examine sa mata para malaman kung mayroong problema sa mga mata.


Ang astigmatism ay maaaring mula sa pagiging sanggol pa lamang ngunit, maaari rin itong umusbong pagkatapos magkaroon ng pinsala sa mata, sakit o operasyon sa mga mata. Ang astigmatism ay nagiging malala dahil sa kakulangan ng ilaw kapag nagbabasa, pag-upo nang malapit sa telebisyon o kapag sulimpat ang mga mata.


Ang mga sumusunod ay maaaring magpataas sa panganib ng pagkakaroon ng astigmatism:

  • Pagmana sa kondisyon.

  • Operasyon sa mata na kasaysayan ng pagpepeklat o pagnipis ng cornea.

  • Kasaysayan ng sobrang nearsightedness o farsightedness.


Pag-iwas:


Ang karaniwang uri ng astigmatism ay hindi maaaring maiwasan ngunit, ang insidente ng astigmatism dahil sa trauma ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagtutok ng atensiyon sa pag-iingat sa mga mata.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page