top of page
Search
BULGAR

Makalumang paraan ng panggagamot, epektib na panlinis ng respiratory system?

ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| July 29, 2020



Bigyang-daan natin ang pagtalakay sa mga bagay na kailangang gawin ng tao, may COVID-19 pandemic man o wala.

Tulad ng nasabi sa nakaraang isyu, hindi puwede na hindi tayo maghanapbuhay. Dahil sa paghahanapbuhay, ang tunay na hinahanap natin ay ang buhay. Kaya ang walang hanapbuhay, masakit man tanggapin ay mapagsasabihan na walang kabuhay-buhay.


Bukod pa rito, sila rin ay sinasabing binubuhay lang ng kanilang mahal sa buhay at ito ay nangangahulugan na wala talaga silang buhay.


Muli, alam ito ni Adam at Eve, kaya paglabas nila sa garden ay agad silang naghanapbuhay at natupad ang sinabi ni God na sa tulo ng pawis n’yo maggagaling ang inyong kakainin.


Ito ay tumutukoy sa sinasabing ang tao ay sadyang nangangailangang maghanapbuhay. Kaya kahit pa mataas na at tumataas pa ang kaso ng COVID-19, kailangan pa rin nating maghanapbuhay.


Hindi naman ibig sabihin ay lalabas tayo ng bahay dahil may mga paraan na nasa bahay lang pero nakakapaghanapbuhay pa rin. Maliliit man ang kita, puwede na rin kaysa wala at kung ang isang maliit na kita ay maging dalawang malaking kita at maging tatlo pa, hindi na ito maliit dahil ito ay malaki na at maaaring mas malaki pa kaysa sa regular na kinikita.


Ibig sabihin, gamitin ang isip habang ginagamit din ang katawan, kamay at iba pang bahagi nito. Kumbaga, mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan kahit mayoon nang kinikita.


Sa mga hindi naman puwedeng hindi lumabas ng bahay, obligado na sumunod sa mga patakaran na inilatag ng mga awtoridad. Gayunman, mas maganda pa rin na habang sinusunod ang mga awtorirdad, mag-isip pa tayo ng mga bagay upang mas makaiwas sa COVID-19.


Kumbaga, ang pagkukulang ng pamahalaan ay ating pagsikapang matugunan sa sarili natin. Tulad ng walang sawa sa pag-uutos na maghugas ng mga kamay, sundin natin, dahil ito ay mukhang tama pero ang huwag nating kaligtaan ang isa pang mahalagang bagay na from time to time ay kailangan din nating gumamit ng mouthwash.


Dahil kapag ang COVID-19 ay nakalagpas sa mga kamay, sa lalamunan siya maninirahan. Gayundin, kung hindi siya sa kamay nagdaan, sa ilong o mata, ang paghuhugas ng mga kamay ay hindi na angkop o sapat.


Pero saanman dumaan ang COVID-19, tiyak na sa lalamunan muna ito mamamalagi at dahil ito ay tiyak, muli, mas maganda na tutukan ang payo na gumamit ng mouthwash.

Paulit-ulit ang Department of Health (DOH) sa pagsasabing walang gamot sa COVID-19, kaya ang paghuhugas ng mga kamay ay hindi rin gamot, pero mahigpit nilang ipinapayo.


Ang paggamit ng mouthwash ay hindi rin gamot sa COVID-19, pero mas okey ito kaysa sa paghuhugas ng mga kamay dahil ang COVID-19, kahit sinong doktor ang iyong tanungin ay hindi lang sa mga kamay dumaraan.


Walang gamot sa COVID-19, pero mas maganda pa rin na gamitin ang lumang tradisyon ng panggagamot na kung tawagin ay “suob.” Dahil tulad ng sa paghuhugas ng mga kamay at pagma-mouthwash, sinasabi at inaamin ng lahat ng doktor na lumilinis ang respiratory system sa pamamagitan ng suob.


Sa susunod, ang pag-uusapan natin ay kung totoong walang gamot sa COVID-19.

Itutuloy

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page