ni Julie Bonifacio @Winner | November 29, 2023
Present si Maja Salvador sa bonggang birthday bash ng kilalang owner ng beauty/skin care products, ang Beautederm, na si Ms. Rhea Tan. Isa si Maja sa major celebrity endorsers ng Beautederm.
Bukod sa pagiging endorser, lumalim na rin ang personal na relasyon ni Maja kay Ms. Rhea. Naging isa kasi sa mga ninang ni Maja sa kasal nila ng kanyang hubby na ngayong si Rambo Nuñez si Ms. Rhea.
Pagkatapos mabati at maibigay ang kanyang birthday message for Ms. Rhea ay eksklusibo naming nakatsikahan si Maja sa ‘CelebREIt’ birthday bash ng Beautederm owner.
Tagal na rin nu’ng huli naming nainterbyu si Maja. Kaya natuwa kami nu’ng mabalitaan namin na nagtayo na rin siya ng sarili niyang kumpanya, ang Crown Talent Management.
Witness kami kung paano unti-unting natupad ang mga pangarap sa buhay ni Maja.
Mula sa bedroom package (na ni-loan pa niya mula sa credit card ng dati niyang handler sa Star Magic) para sa kuwarto niya sa inupahan nilang house and lot ng mommy niya sa Cainta hanggang sa pagbibida niya sa mga teleserye ng ABS-CBN.
“Nakakatuwa,” bungad ni Maja sa aming pagbabalik-tanaw sa nakaraan.
Dugtong pa niya, “Dahil siyempre ano, sa mga taong nakapaligid sa ‘yo. Thankful tayo and grateful na rin kasi lahat naman, eh, malaking parte sila.”
For the past months ay hindi muna tumatanggap ng serye at pelikula si Maja.
“I’m doing naman kasi hosting jobs. Season 3 na ng Emojination. Saka siyempre, ‘yung sitcom namin ni Bossing (Vic Sotto). Tapos ‘yung manager, manager (daw)?! Manager sa sarili,” sabay tawa ni Maja.
When we asked her kung kumusta siya bilang misis, say niya, “Parang si Rambo (Nuñez) dapat ang tanungin mo.”
As if namang nakakausap namin si Rambo, ‘di ba? Close kami, Maja?! Waaah!
Seriously, nagpaliwanag si Maja sa estado niya bilang misis.
Esplika ni Maja, “Uh, kaya hindi ako makatanggap (ng serye at movies) kasi adjustments pa, ganoon. Nag-a-adjust pa ako na parang siyempre, everyday kasama mo na. Iba ‘yung magdyowa, bawal na ‘yung magtampu-tampuhan. Alam mo ‘yun?”
Hindi na raw sila nagkakatampuhan ni Rambo.
“Wala na,” diin niya. “Kasi ‘yung tampu-tampo ko, nagpapalambing. Ngayon, parang wala na. Kasal na, eh.”
Wow!
留言