top of page
Search
  • BULGAR

Maine, ikakasal na kay Arjo.. DERRICK, MAY ELLE NAMAN

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | August 4, 2022




Sorry na lang, mga Mosang, kung inaakala n’yong may balikan-ek pa na magaganap kina Derrick Monasterio at Maine Mendoza.


If we remember right, more than 3 years ago ay na-link romantically sa isa’t isa sina Derrick at Maine at nag-date sa isang lugar na ‘di na namin matandaan kung saan.


Kaso, naudlot ang kanilang romansa nang pagbawalan sila ng kani-kanilang business management ‘coz masisira raw ang AlDub love team nina Maine at Alden Richards. At buhat noon ay naghiwalay na nga ng landas sina Derrick at Maine.


Sa ngayon, naka-focus naman si Derrick sa bago niyang ka-love team sa bagong afternoon serye ng Kapuso Network named Elle Villanueva na ikinukumpara niya sa isang alak na habang tumatagal ay lalo raw gumaganda at gumagaling sa acting.


“Si Elle, para siyang wine, ‘yung habang tumatagal, lalong gumaganda.


Ganu’n siya at ang dami kong nakikitang bagong sides niya, bagong magandang angle niya,” sey ni Derrick tungkol kay Elle sa Chika Minute report ni Kata Tibayan ng GMA News 24-Oras.


Si Elle naman, dahil ito ang kanyang first lead role ay hindi na nag-alinlangan na gawin ang mga sexy scenes nila ni Derrick sa nasabing bagong GMA Afternoon Prime series na Return to Paradise na nag-start na nito lang August 1, 2022.


“Actually, ‘yung workshop namin it really helped us to break the ice between us. We are just vibin’ with each other. Nagkakasundo talaga kami,” sey naman ni Elle tungkol kay Derrick.


And dami nilang sizzling hot scenes sa Return to Paradise at masasabi nga nilang dalawa na sila ay nasa paradise at ang dami rin nilang pictures na ipinost sa kani-kanilang socmed account.


Well, ang tanong ng mga belong sa Marites at Mosang Community, panoorin kaya ng ex ni Derrick Monasterio na si Maine Mendoza ang mga sizzling hot scenes ng dalawa without panghihinayang?


Well, siguro naman ‘coz super inlabey naman silang dalawa ni Cong. Arjo Atayde at accepted naman siya ng mommy dearest ni Arjo na si Sylvia Sanches, in pernes.


At kung anuman ang namagitan sa kanila ni Derrick noon ay masasabi nang…past is past, and they were not meant to be.


Boom, ganern!


‘Yun lang and I thank you!


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page