top of page
Search
BULGAR

Mahirap man dahil sa ‘new normal’… 5 Paraan para magkaroon ng tiwala sa mga kausap online

ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| March 21, 2022




Napakaraming nagbago sa buhay natin at ‘ika nga, ‘new normal’.


Ilan sa mga nawala sa atin ay ang ‘human connection’ dahil sa ‘new normal’.

Karamihan sa mga ganap ay online o virtual na lamang, kaya naman ang kawalan ng voice o facial expression ay ilan lamang sa mga side effect ng online communication at sa katagalan. Hindi na tayo sanay makisalamuha sa ibang tao at ang ending, nawawalan na rin tayo ng tiwala sa mga nakakausap natin online, maging kaibigan man ‘yan o mga katrabaho. Ang hirap, ‘di ba?


Dahil dito, kailangan nating maunawaan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tiwala sa pamamagitan ng pag-aaral kung paano epektibong makikipag-communicate gamit ang social connections, pero paano natin ito gagawin? Narito ang ilang paraan para magtiwala ulit sa ibang tao:


1. MAGING CONSISTENT. Madalas tayong nakapokus sa mga taong palaging nasa tabi natin, good o bad day man ito. Kaya naman importanteng regular na itsek ang ating mga kaibigan o katrabaho kung ayos lang ba sila, dahil nakatutulong ito upang pagkatiwalaan nila tayo. Gayundin, paraan ito upang malaman nila na hindi sila nag-iisa.


2. MAKINIG. May mga pagkakataong tila nasasapawan na natin ang taong nag-oopen sa atin, pero ‘di ba, mas mahirap ito ‘pag online na? Bagama’t ‘di naiiwasan ang mga pagkakataong nakikinig na lang tayo para makapagsalita pagtapos niya, mas mabuting makinig tayo in a curious way. Kumbaga, ipakita nating willing tayong makinig sa anumang sinasabi nila. Halimbawa, magtanong ka na konektado sa usapan ninyo at iwasang mag-open ng panibagong topic.


3. ‘WAG ITAGO ANG FEELINGS. May mga moment talaga na kailangan nating maging open sa isa’t isa kahit pa nakaka-stress na. Ang pagiging bukas sa iyong nararamdaman ay nakatutulong upang mas maintindihan tayo ng ibang tao, gayundin, mae-engganyo rin silang mag-open sa atin kahit hindi kayo personal na magkausap.


4. UMAMIN SA PAGKAKAMALI. ‘Ika nga, sa ‘virtual world’, required tayong ipakita ang best version of ourselves, kaya naman hindi madaling i-admit ang ating mga pagkakamali. Pero mga besh, ang pag-amin sa mga pagkakamali ay magandang paraan para ma-build ang tiwala sa atin ng ibang tao. Sabi nga, wala namang perpektong tao kaya normal na magkamali. Ang importante, kaya natin itong itama at natuto tayo.


5. MAG-SET NG BOUNDARIES. Ang pag-establish ng boundaries ay nakahihikayat na magkaroon ng tiwala sa ating sarili, gayundin, mas nagiging tapat ka sa ibang tao tungkol sa mga limits mo. Ang pagkakaroon ng boundaries sa oras na inilalaan mo sa pag-o-online at ang pagbibigay ng panahon sa iyong sarili para mag-unwind sa social media ay magandang halimbawa ng pagtatakda ng boundaries.


For sure, hindi na mawawala sa ating buhay ang ganitong sistema. Kaya naman imbes na hayaan nating mawala ang human connection, mas mabuting pag-aralan kung paano tayo magkakaroon ng tiwala sa isa’t isa, hindi man natin personal na makausap ang ating mga kaibigan o kasamahan sa trabaho.


Hindi man magiging madali para sa ilan, take it as a challenge para ‘di naman boring ang buhay. Gets mo?

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page