ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 26, 2021
“Hon” pala ang term of endearment ni Bea Alonzo sa boyfriend na si Dominic Roque.
Kinakiligan ng mga Bea-Dom fans ang pagtawag ng ‘Hon’ ng bagong Kapuso actress sa kanyang lovey-dovey.
Noong July 24 ay may post na video ang isang TikTok user na nagngangalang @dengordulan110.
Hindi man kita sa TikTok sina Bea at Dom ay maririnig naman daw ang kaswal na pag-uusap ng dalawa kung saan tinawag ng aktres ang aktor ng "Hon."
Kasalukuyang nasa America pa rin ang dalawa at nitong mga nakaraang araw ay mas naging bukas sila sa publiko kaugnay sa kanilang relasyon.
Sunud-sunod ang pagpapakilig nina Bea at Dominic sa kanilang mga fans matapos lumabas ang mga videos nila sa social media.
Hindi pa opisyal na umaamin ang dalawa, pero para sa mga fans ay sapat na raw ang naglabasang mga pictures at videos nila para kumpirmahing sila na nga.
Hindi na rin daw nahihiyang i-kiss ni Dom ang girlfriend maging sa harap ng kanyang Tita Beth Tamayo at sa asawa nito na nakuhanan ng video.
Ipinost nga raw ni Bea sa kanyang social media account ang nasabing video.
Reaksiyon naman ng mga fans…
“What I like with Dominic, parang palaging bagong ligo... hindi dugyot tingnan at disenteng tao... may aral at manners.”
“All the best for BeaDom. Road to forever! Ang blooming ni Bea. Halata sa aura n’ya na happy s’ya with Dominic... Stay in love, lovers… Kakilig!”
“Ba’t kaya sunud-sunod na ‘yung mga photos nila na magkasama samantalang noon, itinatago pa, ano ba ‘to? Planado para kumpitensiya ru’n sa ex?”
“Para magka-project din si boy.”
“Dati ayaw n’yo na itinatago, kesyo pabebe. Ngayong lantaran, competition with ex naman? So, bawal pala silang mag-post hangga’t nagpo-post ang ex? Sila pala dapat ang mag-a-adjust? LOL!”
“I think they are in a happy place. Baka ngayon mas comfortable na sila at mas sure sa kung ano man ang meron sila. ‘Di naman s’ya nakikipagkumpitensiya. Bea took her time nga, eh. ‘Di n’ya minadali lahat. ‘Yaan n’yo na sila.”
“Ang kakumpitensiya ng JuDoy ay sina Derek at Ellen, haha!”
“Baka naman ‘yan ang gift ni Bea for Dom para sa birthday n’ya, na i-out n’ya ang relasyon nila.”
“Wala na kasi s’ya sa Dos kaya puwede na, hahaha! ‘Di strict ang kabila sa mga couples na ganyan lalo na kung puwedeng ihanay sa mga resident couples nila. ‘Di tulad sa isa, need pang itago kung sino talaga ang jowa mo, luh.”
“Sa tingin ko, nu’ng una kasi they were being careful. Siyempre start pa lang ng relationship, gusto muna nilang sarilinin ‘yung moments. Pero sa mga separate posts nila before, ramdam ko ‘yung gusto na rin nilang i-reveal pero they were being cautious like mga stories na ‘di full ang shot or mga photos na cropped. And when they finally decided to be all out, ayan, lumabas na ang gigil nila kaya sunud-sunod ang mga posts (also in fairness, ‘di naman lahat sila ang nag-post. ‘Yung ibang photos na naglabasan, not from them).”
“Simple. Because wala nang magdidikta sa kanya to hide their relationship. She doesn't need to compete. Ang layo na ng narating ni Bea.”
“She is with GMA na kasi kaya mas free na s’ya ngayon to be herself.”
“Ngayon ko lang na-realize bakit ang comment ni Mother kay Bea pagdating sa love life ay ‘Tanga sa pag-ibig.’ Kasi sobrang ma-in love si girl, all-out. Haist!”
“I think sinagot ni Bea si Dom on his birthday. So officially BF/GF na sila. Unlike before na exclusively dating lang.”
“Mas na-bother ako na nasa bar si Beth… eh, ‘di ba, Sept. na s’ya manganganak? Risk of COVID plus Delta plus cig. smoke plus alcohol (I hope hindi s’ya uminom), plus 7 mos. na yata s’ya, not good for unborn baby… just saying…”
“Nakakasawa na itong si Bea. Lahat ng galaw, naka-social media. Kulang na lang, pati utot niya, eh, i-post niya.”
“‘Katuwa si Beth and her hubby sa background. Gumaya rin kina Dom and nag-kiss din sila. Ang saya lang, hehe.”
“Nakikipag-competition ba sila sa JuRald? Hindi naman ganito ka-open sa love life si Bea dati.”
“Hindi talaga kasing-controlling ng ABS ang GMA. Kaya ‘wag magtaka kung mas open ngayon si Bea.”
Commentaires