ni Jasmin Joy Evangelista | September 17, 2021
Limang pakete ng shabu na itinago sa loob ng isang electric airpot flask at tinatayang nagkakahalagang P7.4 milyon ang nasabat ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency sa Clark International Airport nitong Martes.
Ang shipment ay idineklarang “flask” na nagmula sa Lilongwe, Malawi pero inalerto ito ng Enforcement and Security Service (ESS) - Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF) matapos makatanggap ng impormasyon na may nakatagong droga sa kargamento.
Nang makita ang kahina-hinalang bagay sa x-ray inspection, agad isinailalim sa physical examination ang kargamento kung saan tumambad ang limang pakete ng shabu na kinumpirma ng PDEA sa kanilang laboratory examination.
Naglabas na ng warrant of seizure and detention laban sa kargamento si Port of Clark District Collector Alexandra Lumontad at inilipat na nila sa PDEA ang kustodiya ng mga pakete ng shabu.
Comentários