ni Jasmin Joy Evangelista | November 30, 2021

Napanalunan ng nag-iisang mananaya ang mahigit P162 milyong jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Lunes ng gabi, Nobyembre 29, 2021.
Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na isang mananaya lang ang nakakuha ng winning combination sa naturang draw na 29-42-12-41-01-35.
Ang kabuuang premyo ay umabot sa P162,347,069.60.
Matatandaang nitong nakaraang Biyernes, isang mananaya lang din ang nanalo ng mahigit P378 milyon sa Ultra Lotto 6/58 draw.
Samantala, wala namang nanalo sa kasabay nitong Megalotto 6/45 draw nitong Lunes.
תגובות