top of page
Search
BULGAR

Mahigit 5.1 milyong doses ng Pfizer COVID-19 vaccine, dumating sa bansa

ni Jasmin Joy Evangelista | March 8, 2022



Mahigit 5.1 milyong doses ng US-made Pfizer COVID-19 ang dumating sa bansa nitong Lunes.


Naunang dumating ang 3,999,060 doses sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bandang 12 p.m., ayon sa livestream ng state-run PTV.


Ang mga naturang bakuna ay donasyon ng US government sa pamamagitan ng World Health Organization-led initiative COVAX facility.


Kasunod nito ay dumating naman ang 1,167,600 sa NAIA Terminal 3 bandang 9:45 p.m.


Ang mga bakunang ito ay binili naman ng gobyerno, ayon sa National Task Force against COVID-19.


Nitong Lunes, sinabi ni Secretary Carlito Galvez Jr. na nasa 232 million COVID-19 vaccine doses na ang nai-deliver sa Pilipinas simula 2021, kung saan 136 million dito ang naiturok na.


Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 63.6 million fully vaccinated adult individuals, at nasa 10.5 million naman ang nakatanggap na ng kanilang booster dose.


Nasa 8.5 million minors edad 12 hanggang 17 habang 900,000 bata edad 5 hanggang11 naman ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna.


Gayunman, inihayag ni Galvez na mababa pa rin ang bilang ng mga Pilipino na nagpa-booster shot.

0 comments

Commenti


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page