top of page
Search
BULGAR

Mahigit 20K elementary at secondary teachers pumasa sa LET

ni Jasmin Joy Evangelista | March 12, 2022



Mahigit 20,000 guro ang nakapasa sa licensure examination kung saan inanunsiyo ng Professional Regulation Commission (PRC) na 8,737 elementary teachers at 12,074 secondary teachers ang nakapasa sa ginanap na January 30 exam.


Ayon sa PRC at Board for Professional Teachers (BPT), ang passing rate para sa mga elementary teachers ay 55.66 percent, sa 15,699 na kumuha ng exam. Sa mga secondary teachers naman, 53.77 percent ng 22,454 applicants ang pumasa.


Sinabi rin ng PRC na sa 8,737 elementary teacher passers, 2,678 dito ang first time examinees habang 6,059 ang repeat examiners.


Sa mga secondary teachers, 4,652 passers ang first timers at 7,422 naman ang repeat examiners.


Ang topnotcher para sa elementary education licensure examination ay si Jenechielle Lopoy ng Saint Michael College of Laguna, na may rating na 93.80 percent, habang si Lanvin Sean delos Santos ng National Teacher’s College ang nanguna sa secondary education licensure examination na may 92.80 percent rating.


Sa elementary level, ang top performing school na may mahigit 50 examiners ay Mindanao State University sa Marawi City, matapos pumasa ang 86 sa 95 examiners at may passing rate na 90.53 percent.  Sinundan ito ng Bulacan State University – Sarmiento Campus (81.94 percent) at Bulacan State University – Malolos (80.70 percent).


Sa secondary level, nag-top ang Cebu Normal University na may at least 50 examiners kung saan 63 sa 71 ang pumasa, at may 88.73 percent passing rate.  Ito ay sinundan ng mga sumusunod na paaralan:


* University of Mindanao – Tagum (88.46 percent)

* Batangas State University – Batangas City (85.71 percent)

* Southern Luzon State University – Lucban (85.45 percent)

* Polytechnic University of the Philippines – Main, Sta. Mesa (83.33 percent)

* ICC Colleges Found. Inc. (81.82 percent)


Ang registration para sa issuance ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration ay bukas sa mga sumusunod na petsa:


* April: 18 to 22; 25 to 28

* May 4 to 6


Para sa mga kukuha ng Certificate of Registration at Professional Identification Card (ID), kailangan ipresinta ang mga sumusunod:


* Notice of Admission (for identification only)

* Downloaded duly accomplished Oath Form or Panunumpa ng Propesyonal

* Two pieces passport size pictures (colored with white background and complete nametag)

* Two sets of documentary stamps

* 1 piece short brown envelope


“The dates and venues for the oathtaking ceremonies of the new successful examinees in the said examination WILL BE ANNOUNCED LATER,” pahayag ng PRC.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page