ni Jasmin Joy Evangelista | October 11, 2021
Nagsagawa na ng pre-emptive evacuation sa Baggao, Cagayan bilang pag-iingat sa inaasahang epekto ng bagyong Maring.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management (NDDRMC), nasa 72 pamilya o katumbas ng 224 indibidwal ang inilikas sa naturang bayan na kasama sa mga lugar na nasa ilalim ng signal no. 2.
Patuloy naman ang evacuation o paglilikas sa iba pang munisipalidad at patuloy ang pangangalap ng datos ng NDRRMC hinggil dito.
Samantala, dahil sa sama ng panahon ay wala nang suplay ng kuryente sa lahat ng barangay sa Sta Ana, Cagayan simula kaninang hatinggabi.
Nagbaba na rin ang NDRRMC ng mga paalala at protokol sa mga apektadong rehiyon.
Comments