top of page
Search
BULGAR

Mahigit 100,000 mag-aaral at tutors, naging benepisyaryo ng ‘Tara, Basa’ program ng administrasyong Marcos

by Philippine Information Agency (PIA) @Info | Jan. 10, 2025



Sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., lahat ng bata ay mabibigyan ng edukasyon sa pagbabasa handog ng programang Tara Basa na pinangungunahan ni Kalihim Rex Gatchalian ng Department of Social Welfare and Development. (Larawan mula sa sipi ng PCO)


Patuloy na itinataguyod ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang adhikain ng pamahalaan na mapataas pa ang global literacy standing nito, partikular na sa kakayahan sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral.


Sa ilalim ng pamumuno ng Pangulo, ang “Tara, Basa! Tutoring Program” ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), isa sa mga pangunahing programa ng pamahalaan sa pamamagitan ng Executive Order No. 76, series 2024, ay nakapagbigay ng benepisyo sa humigit-kumulang 99,103 mag-aaral, 15,003 tutors, at 3,520 youth development workers (YDWs) simula noong 2023.


Noong 2024, ang Tara, Basa! program ay nagbigay-tulong sa 62,418 mag-aaral, 8,174 tutors, at 2,434 YDWs sa loob lamang ng isang taon.


Sa pakikipagtulungan sa mga local government units (LGUs), ang Tara, Basa! ay kasalukuyang ipinatutupad sa National Capital Region, Central Luzon, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, at CALABARZON.


Ibinahagi ni Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian kay Pangulong Marcos na ang pinaigting na Tara, Basa! ng DSWD ay nakapagpataas ng partisipasyon ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa pagpapaunlad ng bansa. Batay sa pagsusuri ng programa, sa 6,829 tutors na sumailalim sa pagsasanay, 80 porsyento o 5,487 indibidwal ang aktibong nakikibahagi sa programa habang nagpapatuloy ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo.


Sa paunang pagsusuri nito, nakita rin ng programa ang 5.5 porsyentong pagtaas sa bilang ng mga mag-aaral sa elementarya na mas mahusay nang bumasa batay sa kanilang antas. Ang bilang ay tumaas mula 13,933 hanggang 14,700 noong 2023, ayon sa comprehensive rapid literacy assessment (CRLA).


Sa kabilang banda, ipinakita ng pinakabagong ulat ng DSWD ang malaking pagtaas sa reading scores ng mga mag-aaral na sumailalim sa programa, na may average na pagtaas na 15 porsyento sa reading comprehension.


Ito ay nangangahulugan na libo-libong mag-aaral ngayon ang may mas higit na kakayanang magtagumpay sa kanilang pag-aaral at sa iba pang larangan.


Inilunsad noong Agosto 2023 at pinalawak noong 2024, ang programa ay higit pang

palalawigin sa 11 rehiyon sa taong 2025.


Sa pamamagitan ng EO 76, inatasan ng Pangulo ang DSWD na makipagtulungan sa

Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), National Youth Commission (NYC), state universities and colleges (SUCs), LGUs, at iba pang kaugnay na ahensya ng national government at stakeholders upang matagumpay na maipatupad at mapalawak ang programa.


Ayon kay Secretary Gatchalian, ang tutoring program ay may dalawang benepisyo. Nagbibigay ito ng kakayahan sa mga mahihirap na mag-aaral ng state colleges na makatulong sa pagpapaunlad ng bansa, habang tinutulungan silang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo.


“Nagpapasalamat kami kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagkilala sa educational assistance program na inisyatibo ni DSWD Secretary Rex Gatchalian. Ikinararangal naming pangunahan ang inisyatibong ito na naglalayong suportahan ang mga mag-aaral at pamilyang may low-income,” dagdag ni Assistant Secretary Irene Dumlao.


Collaborative learning program


Tiniyak ng Pangulo ang suporta ng national government agencies (NGAs) at mga

lokal na pamahalaan sa programa ng DSWD na Tara, Basa!, habang hinihikayat ang pribadong sektor na makipagtulungan sa pampublikong sektor upang magtatag ng “isang kolaboratibong programa sa pag-aaral na naglalayong magbigay ng oportunidad sa edukasyon sa mga mag-aaral sa elementarya.”


Ang Tara, Basa! ay nagbibigay din ng proteksyong panlipunan sa mga mahihirap na

mag-aaral sa kolehiyo, habang tinutugunan ang mga suliranin sa pagtigil sa pag-aaral sa antas tersyarya at illiteracy sa mga mag-aaral ng pampublikong elementarya. Kinilala ang Tara, Basa! bilang makabagong pamamaraan sa pagtulong sa mga batang mag-aaral na nahihirapang bumasa.



Nilagdaan nina Kalihim Rex Gatchalian ng DSWD at Kalihim Sonny An Nilagdaan nina Kalihim Rex Gatchalian ng DSWD at Kalihim Sonny Angara ng DepEd ang Memorandum of Agreement noong ika-20 ng De gara ng DepEd ang Memorandum of Agreement noong ika-20 ng Desyembre 2024 upang ipagpatuloy ng DSWD ang Tara, Basa Tutoring

Program para sa taong 2025. (Lawaran mula kay DSWD Usec. Edu Punay)


Ang tagumpay ng programa ay naisasakatuparan sa pamamagitan ng community based approach nito, na mahigit 8,000 student-tutors at mahigit 2,000 YDWs mula

sa low-income families ang sinanay at ipinadala sa mga paaralang elementarya. Ang kanilang tungkulin ay nakatuon sa pagpapabuti ng kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral at pagsasagawa ng “Nanay-Tatay” teacher sessions para sa mga magulang ng mga mag-aaral sa Grade 2 na nahihirapang bumasa.


Ang mga student-tutor na ito ay nagsisilbing mga tagapayo, kaibigan, at gabay. Dahil sa programa, nagkaroon sila ng malalim na ugnayan sa kanilang mga tinuturuan at nakapanghikayat ng higit pang kawilihan sa pag-aaral.


Patotoo ng mga Magulang


Nagpasalamat kay Pangulong Marcos at kay Secretary Gatchalian si Orlando Oroszo, magulang ng mag-aaral sa Manuel L. Quezon Elementary School, dahil naging bahagi ang kanyang mga anak sa programa ng Tara, Basa!


“Nagpapasalamat po ako dahil malaking tulong sa akin at sa mga anak ko ang programa. Natuto silang magbasa kahit sa konting panahon. Ngayon po, ‘yung anak ko na ang nagtuturo sa kapatid niya sa pagbabasa. Kaya po sana, maipagpatuloy n’yo na tulungan ‘yung mga nahihirapang mag-tutor sa kanilang mga anak tulad ko na isang solo parent,” ani Orosco.


“Malaki ang naitulong ng programang ito sa aming sariling paglago at kinabukasan,”

ayon naman kay Querubin Ruiz Timogan, isang tutor at 4th-year BS Education student.



Ipinapamalas ng isang tutor at youth development worker ang kanyang pagiging malikhain at epektibong pamamaraan sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng makabagong estratihiya sa pagtuturo at paggamit ng teknolohiyang-pangkomunikasyon upang mapabuti ang pagtuturo sa mga mag-aaral. (Larawan mula sa pahina ng DSWD Tara Basa sa Facebook)



Naniniwala si Querubin, tutor sa pilot implementation program noong 2024, na magiging mahalaga ang karanasang ito sa kanyang hinaharap na propesyon bilang isang guro.


“Napakaalwan po nito para sa amin lalo na kung ikukumpara sa dati,” ani Ayeen Jharifa Dirampaten Alip, isang mag-aaral ng Mindanao State University.


Sayang hatid ng Tara, Basa!


Ibinahagi ni Eliza Gaye Ruivivar, isang tutor mula sa City College of San Jose del Monte, ang kanyang masayang karanasan sa programa. Nagpahayag siya ng labis na kasiyahan sa tuwing nagpapasalamat sa kanya ang kanyang mga estudyante.


“Walang katumbas na halaga ang marinig na nakatulong ka sa pagkatuto ng isang tao,” dagdag ni Eliza. “Napakasaya sa pakiramdam na makita ang aking mga estudyante na nagsasabing nakakabasa na sila dahil sa akin.”


Samantala, si Rommel Aban na isang dating YDW ay nagpasyang ipagpatuloy ang

kanyang serbisyo-publiko sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa DSWD.


Noong 2023, nagsilbi si Rommel bilang YDW sa pamamagitan ng pagsasagawa ng

“Nanay-Tatay” sessions na nakatuon sa pagpapabuti ng kasanayan sa pagiging magulang, pagbibigay-diin sa kahalagahan ng edukasyon, at paghikayat sa mga bata na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.


Ang komprehensibong pamamaraang ito ay naniniwalang ang literacy ay hindi lamang

natututunan sa silid-aralan, kundi maging sa loob ng tahanan katuwang ang mga magulang.


“Bago ang ‘Tara, Basa!’, nag-aalala ako sa pagbabasa ng aking anak,” ani Gina Jambo Guerrera, isang magulang mula sa Lingunan Elementary School sa Valenzuela City. “Nahihirapan siyang makasabay sa mga kaklase niya at wala akong magawa. Pero nagbago ang lahat dahil sa ‘Nanay-Tatay’ sessions. Natutunan ko kung paano ko siya tutulungang mag-aral sa bahay, at ngayon ay mas kumpiyansa na siyang bumasa.”

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page